Parehong mata namin ay nasisigurado ko na naka pikit, habang walang tigil ang paggalaw ng aming labi sa isa't isa. Sa ngayon tila ba wala akong ibang iniisip kundi si Dominique lamang, ang lalake na ngayon ay marahan akong hinahalikan sa ilalim ng buwan.
Ang naka pagpahinto lamang sa amin ay ang gulat namin sa malakas na sigawan ng mga tao at ang biglang paglitaw ng makakapal na usok sa sayawan.
"Si Anika!" Hindi ko alam ngunit kahit sa saglit na panahon na kilala ko si Anika ay agad ko na tinakbo ang distansya mula dito papunta sa sayawan. Napa-atras ako nang makita si Hades na may dugo sa gilid ng kanyang labi, agad ay pinahid niya ito habang nasa kanyang likuran sila Don Hacinto at Psalm.
"What the hell happened?" Tanong ni Dominique sa kanyang kaibigan na malapit sa amin.
"What the fuck was that Hades?!" Gulat ang mga tao nang masaksihan nila ang matinding galit ngayon sa pinaka matandang anak ni Don Hacinto, kita ko ang mga matinding galit ngayon kay Primo.
"That fucking sexual predator was harassing my friend Peach! I won't just fucking watch him!" Hades shouted looking so pissed while the girl Peach that he was talking about was standing beside him, she's only looking at her shoes.
"And you'll need to fucking beat him to the point that you caused a fucking fire?! What the hell is wrong with you? Bobo ka ba talaga?!" Hades clenched his jaw and I looked at Psalm, mukha siyang nag-enjoy sa pinapanuod niya habang ang matandang Soriano naman ay hinihilot na lamang ang kanyang sintido.
"Why the hell do you care?! It's not that someone got hurt and this whole place was sponsored by us, no need to go over ballistic."
"Hell I do, Sebastian. Kung may utak ka talaga putangina you will set aside your fucking anger management." Parang ibang Primo ang nasa aking harapan ngayon, parang ibang lalake. Hindi yung marahan, maginoo, at mabuting lalake na nakilala ko, dahil sa kanyang galit ngayon.
"Tulong!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Anika na tinutulungan maglakad ang kanyang kaibigan, napatakip ako sa aking bibig nang makita ang malaking paso sa braso nito.
"We're not yet done, Sebastian Hades." Primo gave him a glare before turning his back at Hades.
"Oh hell we are kuya!" He mocked the word 'Kuya' before Hades left looking so pissed.
"AOTY, bros, fucking actors of the year." Psalm laughed while shaking his head before leaving the place while Don Hacinto came closer to Primo.
"Anong nangyari?" Kita ko ang pag-alala sa reaksyon ng babae, ang ina siguro nung kaibigan ni Anika. Hindi ako makalapit kay Anika dahil siguradong makwekwestyon ang paglapit ko sa kanila.
"Natabunan po kasi siya nung nagkagulo yung mga tao." Iyak ng iyak si Anika at mukhang may binulong sa kanya si Primo, naglakbay ang kanilang tingin hangang sa huminto sa akin.
Sa pagtagpo ng mga mata namin ay kita ko ang pagod sa kanyang mata, pinaghirapan niya ang sayawan na ito at siguradong sa kanya mapupunta ang sisi dahil siya ang nagsa-ayos ng lugar na ito. Hindi gaano katagal ang pagtingin namin sa isa't isa dahil agad niyang binalik ang tingin sa kaibigan ni Anika.
"Akala ko ho magiging ligtas ang anak ko, pero bakit ganito ho nangyari?! Bakit po kayo nagpabaya?" Iyak ng iyak ang ina ng kaibigan ni Anika habang ang kanyang mga sigaw ay naka direkta kay Primo. Hindi siya maka pagsalita, tanging nabasa ko lamang sa kanyang labi ay ang pagsambit ng salitang 'Sorry'.