CHAPTER 39

12K 477 400
                                    


"Dito na lamang kayo matulog, gabi na at hindi ako mapapanatag lalo na ngayon at wala pa sa kulungan ang mga Ardiente."

"Papa is right, we have to make sure that you are all safe." wika naman ni Hades.

"Tama sila, Sanya. Dito na muna kayo matulog ni Soraya." sagot naman ni Dominique, ako naman ay tumango na lamang kahit hindi sila nililingon. Tanging na kina Soraya at Cordelia lamang ang atensyon ko. Hindi mawala sa isipin ko ang katotohanan, maging yung ginawa nila kina Cordelia at Soraya. Madaming gumugulo sa isipan ko pero tila mga nakakalimutan ko ito ngayon na nasa tabi ko yung dalawang anak ko.

"Ayaw ko po malayo ka sakin, daddy hero." saad ni Soraya nang makalapit siya kay Dominique. Agad siya na binuhat ni Dominique. "Daddy hero, sama na lang po ako sa inyo. Kailangan po ng time ni Mama na kasama sina Cordelia."

"Soraya." pagtawag ko sa kaniya, lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya. "Ayaw ko malayo sa akin yung anak ko, hindi ba sabi ko sa 'yo na hindi makakatulog si mama pag wala ka sa tabi ko?"

"Andiyan na po si Cordelia, mama. Saka lagi naman po akong safe kay daddy hero."

"I'll stay, Soraya." wika naman bigla ni Dominique. Ngumiti ako kay Dominique nang agad niyang naunawaan ang nangyayari.

"Get the guest room ready." pag-utos ni Primo sa katulong, ngunit umiling-iling si Soraya.

"Ayaw ko po malayo sa akin yung daddy hero ko po." napahinto naman sila sa sinabi ni Soraya. "Gusto ko po siya kasama sa room."

"Ako rin ayaw ko rin po na malayo sa akin si daddy." sabmit naman ni Cordelia habang kinukusot ang kaniyang mata dahil sa sobrang antok.

Nakapagdesisyon din agad ang lahat, ngayon ay nasa magkabilang braso ko nakahiga sina Cordelia at Soraya. Mabilis lamang sila na nakatulog lalo na at parehong nasunod ang gusto nila. Dahil parehong natutulog ngayon sa kwarto sina Dominique at Primo. Nasa magkabilang sofa sila ng kwarto.

Ako naman ay hindi makatulog dahil pinagmamasdan ko ngayon si Cordelia. Sobrang payapa ng kaniyang mukhang habang natutulog, hindi ko maiwasan na pisilin ang mabilog niyang pisnge. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang agad itong mamula, doon ko napagtanto na namana ito sa akin ni Cordelia. Katulad ko ay mestisa rin siya, tanging labi ko lamang ang nababakas ko na nakuha niya sa akin bukod sa kutis ko. Lahat ay puro galing na kay Primo, siyam na buwan kong dinala tapos tatay lang magiging kamukha.

Nilingon ko naman si Soraya at katulad ni Cordelia ay sobrang himbing din ng tulog niya. Hindi mawala pa rin sa dibdib ko ang matinding kirot para kay Soraya. Paanong nagawa ng mga Ardiente sa sarili nilang anak o apo ang bagay na 'yon? Anong karapatan nila para saktan ng gano'n si Soraya? Pinapangako ko simula ngayon na walang kahit sinong Ardiente ang makakahawak kay Soraya, kahit kadugo niya pa sila. Magkamatayan na.

Maaga ako ngayon na nagising, gusto ko na paghandaan ng pagkain sina Cordelia at Soraya. Tinutulungan naman ako ng mga katulong dito sa pagluluto, madami na rin kami niluluto para na rin sa lahat ng Soriano. Tinanong ko pa talaga sa mga tao rito kung anong paboritong umagahan ni Cordelia, nalaman ko na mahilig sa mga fried rice si Cordelia. Kaya naman ako ang nagluluto ng mga paborito nina Soraya at Cordelia.

"Wow! Mama is cooking food for us! Mommy Samira never did that for us." gumawi ang tingin ko sa kanila. Pareho silang buhat nina Dominique at Primo.

"Yeah, because your Mommy Samira is succubus." wika ni Psalm habang naglalakad na may kagat na tinapay. "Good morning by the way."

"Thank you for cooking for us, Anya." wika ni Primo sa akin nang ma-upo niya si Cordelia. Gano'n din sina Dominique, si Soraya ay ayaw pa humiwalay kay Dominique dahil inaantok pa ito at nakayakap kay Dominique habang nakakandong.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon