Chapter Twenty seven Part I - In the Morning

5 2 0
                                    

A/N Heads up! The song in this chapter is titled Bedroom Warfare by One Ok Rock. You can listen to it so you can understand Kyle more, if you want! Lol.


Chapter Twenty-seven

Jade's POV

"Oi Jade! Blake's looking for you. He's in their room." Jade? napa-angat ako ng ulo ng kaunti mula sa pagkakahalumbaba ko dito sa lamesa ng canteen. There he goes again with Jade. I sighed as I pretended not to hear him kung kaya't napilitan siyang umupo sa harapan ko

"Didn't you hear me? Or you were just pretending? Ang sabi ko sa taas tinatawag ka ni Blake dun," I rolled my eyes at what he just said. Talagang tumuro pa siya sa likod niya, akala mo naman ay malapit lang ang bulding namin.

"It's 'tinatawag ka ni Blake doon sa taas!' dummy," my lips twitched, ewan ko ba sa lalaking 'to. Napatingin na lamang ako sa gilid ko habang siya ay naka-kunot pa rin ang noo na para bang pinag-iisipan talaga ang sinabi ko. Ganyan lagi ang reaksyon niya kapag tinatama ko ang tagalog niya. Para bang napakalalim at napakatagal na pag-iisip ang kailangan para ma-realize niya 'yun.

"Whatever, it's just the same." at iyan din lagi ang sinasabi niya. Wala naman akong ibang masabi kung hindi 'oo nalang' kasi oo nalang talaga.

"Why are you not going? Blake's calling you, Jade." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya, bigla akong nainis! Bwiset na 'yan! Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya dahil sa masama kong tingin. Ewan ko ba, para bang bigla na lang kumulo 'yung dugo ko. Saan nanaman nanggagaling 'tong inis ko?

"What? I got it right! Why are you looking at me like that?" sambit niya na labis ang kalituhan dahil nanaman sa biglaan kong pagiging moody.

Hindi ko na siya pinansin pa at tumayo na lang ako nang walang anu-ano, balak ko na sanang humakbang paalis pero hinawakan niya agad 'yung pulsuhan ko kaya't napatigil agad ako. I closed my eyes, nababaliw ka na Jade. You know walking out from Kyle is so not a good thing to do, paniguradong aalamin niya nanaman ang problema ko.

"What is it this time, Jade?" sa bigla nanamang nagpantig ang tenga ko ay mabilis kong iwinakli ang kamay niya na parehas naming ikinagulat.

"W-wala, I'm sorry akyat na ko." my voice was stuttering that time and obviously Kyle couldn't keep up with my moods at alam kong nalilito nanaman 'to. Humakbang ulit ako ngunit hindi ko nagawang makalayo pa dahil muli niya akong hinawakan, but this time it's my hand. Napalunok ako, what the hell is he doing!

Hinila niya ako ng mahina at sapilitang ipinaharap sa kanya. Damn, I couldn't even look at him in the eyes. Nakakatakot dahil baka hindi na ako makabalik pa sa sarili ko. They've got so much intensity, so much force and sharpness that I always get lost. Always.

"No, ayoko nang nagkakaganito nanaman tayo Jade, tell me what's wrong with me? I'll fix it, ano nanaman ang mali ko?" para akong biglang nawalan ng lakas sa mga salitang narinig ko mula kay Kyle, I bit my lower lip at tsaka napabuntong hininga.

"N-no there's nothing wrong with you, sige na aakyat na ko sa taas," pilit kong inaalis 'yung pagkahawak niya sa kamay ko pero mas inilapit niya ang katawan ko sa kanya. My eyes widenend because of what he did, shit.

"No, it's either you tell me or I'm gonna make you." pagbabanta niya sa akin. I looked up to him and gulped, masyado siyang malapit.

"Jade!" pagbabanta niya sa akin pero agad ko siyang tinulak sa dibidb gamit ang libre kong kamay.

"Stop calling me Jade!" nanlaki ang mga mata ko nung na-realize ko kung ano 'yung ginawa at sinabi ko, shit agad akong napahilamos sa aking mukha at ramdam ko ang pag-init nito. Tinignan ko si Kyle and he looks dumbfounded na para bang hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon