Chapter Twenty-seven – Part II
Parang biglang hinatak pabalik ang katinuan ko sa reyalidad nang mag-ring ang cellphone ko na nasa tabi ko lang habang nakahalumbaba at tulala ako dito sa study table ko. I sighed and looked at the time bago ko napagdesisyunang sagutin ang phone ko. Alas-kwatro na pala ng hapon. Wala kaming pasok ngayon, sobrang lakas kasi ng ulan kaninang umaga buti na nga lamang ay tumila na. Kaya rin siguro ang lamig kahapon.
"Hm?" pagsagot ko na walang kagana-gana. Kanina pa kasi ako magmula matapos kumaain ng pananghalian at maghapon ay nakatulala lang ako dito, mag-aaral sana pero wala rin namang pumapasok sa isip ko kaya nauwi na lang sa pag-iisip tungkol nanaman sa buhay ko.
"Jade! Kanina pa kami andito sa convenience store malapit sa bahay mo ni Kyle! Daliaan mo na, tara! Hindi ba't may lakad tayo ngayon?! An—" nalayo ko ng kaunti 'yung cellphone dahil sa lakas ng boses ni Blake, I rolled my eyes as I ended the call. Wala ako sa mood.
Pero syempre sa kulit ng isang 'yan ay walang makakapigil at talagang tinatawagan ulit ako. Inis kong kinuhang muli ang phone ko pero nagulat ako nang hindi na pangalan ni Blake ang naka-register dito kung hindi kay Kyle na.
Huminga ako ng pagkalalim-lalim bago ko sinagot ang tawag, "Why are you not answering Blake's messages? We were waiting in this store for half an hour already, Rinoa. At huwag mong sasagutin ang tawag kung wala kang balak patapusin, aren't you being rude? Sabihin mo kung ayaw mong sumama hindi 'yung pinaghihintay mo kami." napapikit ako dahil sa guilt, yari nanaman ako.
Paano ba naman kasi, matapos nung ginawa niya sa akin kahapon ay nabadtrip talaga ako. Bigtime. Kaya nga wala ako sa mood ngayon eh.
"Parating na." sinabi ko na lamang at tsaka binaba ang tawag, kanina pa naman ako nakaligo eh at magbibihis na lang kaya hindi na sila maghihintay dun ng matagal pa. Nagmadali na nga ako sa pagbibihis at pumili lang ng black pants at fitted white longsleeves na medyo turtle neck ang style at black boots. Tinignan ko naman ang aking kabuuan sa salamin at kahit kailan talaga ay hindi ako masanay-sanay sa shoulder-length kong buhok na black pa. I heaved a long sigh tsaka tuluyang lumabas ng kwarto at nagpaalam na aalis ako.
Konting lakad na nga lang at narating ko ang sinasabi nilang store, nahagip agad ng paningin ko ang sasakyan ni Blake na nakaparada sa labas maging ang dalawang motor. Teka kasama si Zach? Ayos ah, ako lang lalaki. Wew. Tinanaw ko sila sa salamin mula sa labas na agad naman nilang napansin kaya't nilabas na nila akong tatlo.
"Hoy Jade ang sexy naman ng suot mo?" kunot noong tanong ni Blake pagkalabas pa lamang niya ng pinto at binigyan ko lang siya ng blankong tingin dahil wala ako sa mood makipag-asaran kasi baka mabaril ko lang siya sa shooting range mamaya.
"Hey," pagbati ni Zach na tinanguan ko lang kasi wala akong masabi.
My glance went to Kyle and his same get-up, 'yung snapback, jacket na black, white shirt and black pants pero nagulat ako nang makitang naka 8-eye boots din siya na same color, what the hell! Parehas kami, ugh. Hinawi ko na lang ang buhok ko sa kabilang side at umirap, nakarinig naman ako ng sinabi niyang "Arte," kaya mas lalo akong nainis.
"Let's go, it's almost five." sambit niya at sumunod na nga ako kay Blake sa kotse nito, asa naman kasi akong maka-angkas sa lalaking 'yan no!
Si Kyle at Zach ang sinundan namin sa direksyon dahil silang dalawang magkaibigan 'yung nakaka-alam nung tutunguhin namin. Hindi kasi sa usual naming pinupuntahan nila Blake ang destinasyon namin ngayon. At lol, kung maka usual naman ako ay akala mo maraming beses na akong nakapunta, actually ay tatlo palang talaga kaya hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako kapag nakakakita ng baril. Taga tingin lang ako lagi, hindi humahawak.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystery / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...