Chapter Twenty - Clock is ticking

93 8 5
                                    


A/N Hello po!!! magandang gabi hehe ~ have you guys listened to the song in the multimedia last chap? If hindi pa po ay sana pakinggan niyo haha~ It tells a lot about Jade and Kyle's relationship lol. It's entitled Always Coming Back. Sige po enjoy~ haha.


Chapter Twenty

Jade's POV


Mga bandang alas siyete ng umaga nang magising ako sa tabi ni Kyle, fuck my neck hurts so much. Ugh. Tumayo ako at nagsalin ng tubig sa baso na nasa bedside table lang. Umuiinom ko siyang pinagmasdan, he's still asleep and how he breathes softly somehow calms me down, parang pakiramdam ko ay panatag na talaga ako just by watching him peacefully.


I was about to touch his hair nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kaibigan ko. Damn, that was close. Ano nalang iisipin ng mga 'yan? Tsk.


"Jade!!" bungad ni Clea at agad akong niyakap, naririnig ko na ang mga mumunting hikbi niya kaya ako napatawa ng bahagya.


"Ate anong n-nangyari sa'yo ... ano dali sasapakin k-ko, sino ma—haah may gawa niyan?" hindi siya magkandahumayaw sa pagiyak kung kaya't pilit ko siyang kinakalma.


"Shhh shhh, okay lang ako. Clea naman," I smiled at my friends at natatawa-tawa silang tinignan kami habang yakap yakap ko pa rin si Clea though halata sa mga mata nila ang pag-aalala.


"We w-were so worried," kumalas siya sa akin at nagharap kami, she looks like a kid dammit! Punong-puno ng luha ang mga pisngi at sobrang lungkot ng mga mata na akala mo ay inagawan ng candy.


I pinched her cheeks, "I'm fine." at tsaka ko ginulo ang buhok niya. Lumapit siya kay Kyle at muling umiyak at ang likod ng mga kamay niya ang ginawang pamunas, haha look at that girl! College na eh ganiyan pa rin.


"Jade," napaharap naman ako kay Blake at tsaka siya niyakap.


"Nagalala ako saiyo. Sobra." sambit niya habang ang kanang kamay niya ay nakahawak pa sa ulunan ko. I feel so secured and relaxed. I heaved a long sigh, parang bigla akong nakaramdam ng kagustuhang isumbong at iiyak lahat ng takot ko sa kaniya ngunit pinili kong huwag na lang. Masyadong madrama kung ganun.


"Mmm, I know. I'm sorry." humiwalay na agad siya sa akin at hinarap ko na sila Noah kasama ang girlfriend niyang si Dawn at ang mga kaibigan pa naming si Skyler at Caroline na pare-parehas nang nakaupo sa sofa dito sa loob ng kwarto after nilang isayos ang mga dala nilang pagkain at fresh flowers.


"Jade alam mo bang halos atakihin sa puso 'tong si Noah nung marinig na nasa ospital kayo? Ni hindi alam ang gagawin nung tumawag ka eh, haha ayaw pa naman nito sa mga ospital." natawa naman ako dahil sa medyo pahiyang itsura ni Noah na halatang namula dahil sa sinabi ni Dawn.


"Babe naman, I'm just really worried. No need to embarrass me, tsk." bahagya akong napatawa dahil doon pero nagpasalamat din naman dahil sa pag-aalala nilang lahat.


"Jade... asan si Zach?" tanong ni Skyler dahilan para mapatingin ako sa kanya.


Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon