A/N Hello po it has been 84 years XD ang tagal na po pala namin hindi nakapag-ud dito hehe umabot pa ng isang buwan euaaa sorry po talaga >< Anyways ito na po yeeey~
Chapter Eight
Jade's POV
Napagdesisyunan kong sumabay ngayon kila Patrick pauwi, kumpleto kami actually pati narin sina Blake. Tahimik lamang kaming naglalakad papalabas ng campus namin, ni walang nagsasalita at nagtatawanan.
Napabuntong hininga ako, hindi ako sanay ng ganito damn it.
Maya-maya lang din ay napahinto kaming lahat ng may marinig kaming isang sigaw.
"Rinoa!" Rinoa?! What the actual fuck.
Napalingon kami sa likod at nakitang papalapit saamin si Kyle kasama ang kaibigan niyang si Zach na mukha atang hindi masaya na makita akong muli. Well fuckboy, the feeling's mutual.
Naglakad pa siya papalapit saamin at hinigit ako sa aking pulso at tsaka kinaladkad.
"We need to talk," walang lingon lingon niyang sabi basta hinatak lang ako. Sa inis ko ay nagpupumiglas ako sa hawak niya ngunit sadya siyang malakas, nabigla naman ulit ako nang may humawak pa sa isa kong pulso.
Ano 'to? Hilahan?
"Pre ayaw ata sumama saiyo, huwag mong pilitin," Napalunok ako, si Blake pala. Lumipat naman ulit ang tingin ko kay Kyle na ngayon ay nakakunot ang noo.
"I said I need to talk to her," ulit niya at mas diniinan pa ang pagsasabi nito.
"Bitaw," sambit naman ni Blake kaya sa kaniya naman ako napatingin. Ano bang problema nilang dalawa?
"No I won't," At bakit ba siya english ng english? Damn and did he just call me Rinoa? Argh, but what the hell his accent is totally on point na ang sarap sarap pakinggan.
Naramdaman ko naman ang pagbitaw ni Blake sa pulso ko atsaka mabilis na tinungo si Kyle at kinwelyuhan ito na naging dahilan ng pagbitiw niya rin saakin.
"Sino ka ba ha?" isang malakas na tulak naman ang ginawa sa kaniya ni Kyle kung kaya't nawalan siya ng balanse.
Tinignan niya ako at muling hinatak, but this time si Patrick naman ang humawak sa isa kong kamay. Tang---
"Sino ba kasi 'to Jade?" mahinahong tanong ng kaibigan ko.
Nakita ko naman sa aking peripheral view na nakatingin nalang din si Blake, si Zach naman mukhang handa nang makipag-away kung may gumalaw lang sa kaibigan niya.
Damn boys and their short temper.
"Si Kyle," simple kong tugon kaya napalingon sila parehas saakin.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mistério / SuspenseFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...