Hello po~~ Pasensiya po sa napakatagal na hindi paguupdate T^T, ito na po!~
Chapter Twenty-three
Jade's POV
Ilang gabi na rin ako hindi makatulog ng maayos. Sa mga oras na 'to ay wala ako sa wisyong palipat-lipat lamang ng channel sa TV, alas dose y medya na ng gabi at pangatlong inom ko na rin ng kape ngayong araw.
Napakarami pa ring katanungan ang hindi maalis sa isipan ko. Parami ng parami ang mga katanungang iyon na mistulang hindi ko makukuha ang hinahangad kong kasagutan. Kahit anong gawin ko, parang pilit na sinasampal sa akin ang mga kasinungalingang kailangan kong tiisin at paniwalaan dahil ayokong magpadalos-dalos sa mga kilos at desisyon ko.
Dumarating lagi sa punto na gusto ko na lamang sumuko, napapabayaan ko na nga ang sarili ko at ang mga priorities ko dahil sa mga nangyayari sa amin. Wala naman din akong magawa, para kaming mga puppet na kailangang makipaglaro sa kanya para sa mga buhay namin.
Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang takbo ng buhay ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit at paano naging ganito ang lahat, malayong-malayo sa dati.
Gusto ko nalang na matapos na ang lahat ng 'to.
Kailan mo ba kami titigilan? Bakit mo ba ginagawa sa amin 'to?
Sana ay malapit na, at kung sino ka man, ay sana makilala na rin kita.
Naputol ako sa aking mga pag-iisip isip nang may pumukaw sa atensyon ko sa harap. Halos mabitawan ko naman ang hawak kong mug dahil sa panlalambot ng mga kamay ko.
Napahigpit ang kapit ko sa remote nang ibalita ang natagpuang dalawang bangkay doon sa mismong site kung saan isinagawa ang fire demolition sa isang abandonadong ospital, apat na gabi na ang nakakaraan. Nanikip bigla ang dibdib ko, hindi na makita ang pagkakakilanlan nila dahil sa tindi ng kanilang sinapit, nalamog ang kanilang buong katawan na halos kainin ng apoy kundi dahil sa nakita nilang natirang upos ng kanilang laman at naiwang iilang hibla ng buhok.
Hindi ko na mapigilan pa't tuluyan akong naluha dahil kilalang-kilala namin kung sino ang tinutukoy sa balita, biglang bumigat ang loob ko at hindi ko na kaya pa ang mga naririnig kung kaya't mabilis kong pinatay ang TV at dumiretso ako sa CR upang maghilamos.
Napansin kong nawawala na ang blonde dye ng buhok ko at bumabalik na ang dating kulay nitong itim, lalo na sa pinakatuktok, sa pinakaanit. Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, parang hindi ako 'to.
Lumalim ang eyebags ko at namumutla ang balat ko, nagbabalat din ang labi ko at napaka-dry ng mukha ko. Wala na nga talaga akong panahon para ayusin ang itsura ko, ang maalagaan pa kaya ang sarili ko? Medyo nangayayat na rin pala ako, shit. Kulang nalang siguro ay pati buhok ko ay malagas na sa dami ng iniisip, nadaig ko pa ang ibang nasa kwarenta na.
Much wow Jade, you're now the embodiment of a total devastated mess. Perfect.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystery / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...