Chapter Twenty five - Carried Away

8 2 0
                                    

A/N hello, we found some time to spare so we're now uploading the remaining chaps we have written roughly two years ago...? there are five or six of them, anyways, it starts here. thank you!


Chapter Twenty-five

Clea's POV

Iba talaga 'pag naabutan ka ng rush hour oh! Nako, masasapak na 'ko nun ni Blake, huhu. Malamang tinatawagan na 'ko ng mga 'yun kaso ang problema ay dead batt ang phone ko at 'di ako nakapag-charge kasi I overslept!

That's probably the dumbest excuse a person could give everytime na nali-late siya but it really happens on most cases and it's unavoidable lalo na kapag napagod ka.

Ilang minuto pa ng byahe ay sa wakas nakarating din ako dito sa resort. Isang oras ang tinagal ng byahe na dapat ay 30 minutes lang, nakakaloka naman.

Agad akong lumabas sa taxi at nagbayad kay manong driver at madali akong naglalakad papuntang gate, pucha ang dilim-dilim pa oh.

Medyo nakakairita 'tong suot kong heels dahil bukod sa hindi ako sanay ay medyo masikip pa dahil bagong bili lang at ngayon ko palang nasuot.

Nagulat ako nang makita ko ang isang napaka-pamilyar na pigura, natawa pa 'ko ng kaunti sa itsura niya. Si Blake na nasa entrance at mukha pang nagsi-senti! Aba, ano kayang nakain nito?

Pagtingin ko naman sa relo ko ay 6:53 na pala! Hala, 'di kaya nag-aalala na 'to sa'kin? O baka naman banas na 'sakin 'to at baka masapak na talaga ako.

"Huy, kalat, bakit ka pa nasa labas?" bungad kong bati sa kanya at pagkakita naman niya sa'kin ay napapikit siya ng mariin at huminga ng pagkalalim-lalim. Oops...shet.

"What the hell Clea, ang tagal mo." dumagdag pa ang boses niya sa lamig ng gabi ngayon, napalunok ako at parang nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa walang kabuhay-buhay na ekspresyon niya.

Mukha pa nga yatang galit.

"Sorry, na-traffic lang talaga." iyon na lang ang nasabi ko saka umiwas ng tingin, sa loob-loob ko ay hinahanda ko na ang sarili ko sa kamao nito.

"Tss, excuses. Tara na sa loob." napatigil ako sa sinabi niya kaya hinatak niya 'ko papasok sa loob at muntik-muntikan pa akong madapa dahil sa takong nitong suot ko.

Saktong-sakto lang pala ang dating ko, magsisimula na ang event.

Nahiya tuloy ako bigla nang makita na kumpleto na pala sila sa loob at ako nalang pala ang hinihintay. Nakita ko kung paano bumalik ang sigla sa mga mukha nila pagkakita sa'kin, hala nag-aalala na ba sila sa'kin?

"Thank goodness Clea, you're safe!" sinalubong agad ako ni Jade ng isang yakap, 'di ko alam ang sasabihin ko sa mga 'to dahil pinag-alala ko yata sila.

"Yeah, I'm 100% safe, I'm sorry guys I had to make you all go anxious just because na-traffic ako and I probably, overslept, hehe." nagpumilit na lamang ako ng isang ngiti habang tinitingnan silang lahat, ahhh ano bang nagawa ko huhu, grabe naman 'to.

"We're all worried na wala ka pa rito but Blake had to worry the most, you should take note of that." aniya ni Noah kaya tumaas naman ang kilay ko. Blake had to worry about me the most? He should know better though, but at least he's concerned.

Kikiligin na ba 'ko?

"Of course I'm worried na wala pa 'yung ka-partner ko rito, tanga lang ang sasayaw dyan mag-isa sa harap." he sounded too annoyed, geez what should I do para mawala ang badtrip niya?

"Sorry na nga eh, kung pwede lang lumipad dito kanina ko pa nilipad." pagsagot ko sa kanya at napasinghal pa, ngayon pa ba kami magkakaaway nito kung kailan competition day na namin?

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon