Chapter Five - Trivial sacrifices

146 18 7
                                    

A/N  Hello po!!! Pasensiya po ng marami ngayon lang 'to! Dapat nung nakaraan pa talaga kaso po may mga hindi ineexpect na bagay at medyo maraming ginagawa ngayon kasi mag A-APEC na daw. LOLS. Salamat po sa paghihintay, ito na po~


Chapter Five

Jade's POV


Nakaupo kaming tatlo ngayon sa damuhan at dito itinuloy ang naudlot naming pag-uusap ng palabasin na kami sa office of the principal.


"K Y L F J R D sure is the name, kinulang nga lang ito ng vowels." panimula ni Patrick. Ito na, I can feel it, ramdam na ramdam ko na ang pagkikita natin.


"Yep, and the answer lies within the numbers. Kung paghihiwalay-hiwalayin natin yan ay tatlong numero lamang yan, 01, 05 and 15. What are the corresponding letters of these numbers in the alphabet?" pagpapalawak ko pa para naman mas maintindihan naming lahat.


"A, E, O... Vowels!" pagsagot naman ni Blake and I saw his eyes sparkled in awe nang mapagtanto niya. I can't help but to give out another smirk again.


In a matter of seconds, para kaming mga nakapatay na bumbilya na sabay-sabay na nagkaroon ng ilaw because fucking shit, we just figured out the name! Finally!


"Kyle Fajardo!" sabay-sabay kaming napasigaw at nagkatinginan sa isa't-isa at hindi na namin napigilan pa ang matawa sa mga sarili namin dahil mukha na pala kaming mga tanga, akala mo mga bata lang na may nilalarong game at nanalo. We were overjoyed figuring out the name of this sick bastard trying to ruin our lives.


Gamit ang internet ni Blake sa kanyang phone ay sinearch at tinranslate namin ang ibig sabihin ng Chinese characters, and hah, everything is in its fucking place and the accuracy is damn real!


凱爾法哈多 = Kyle Fajardo


Kyle Fajardo dude, you fucker, nagkamali ka ng pinaglaruan because guess what? We know who you are and I am fucking ready to face you son of a bitch.



**



Tahimik lamang kaming naglalakad papalayo kung saan kami nakaupo kanina at pare-parehas na malalim ang iniisip. Pakiramdam ko ay konting tiyaga at pasensya pa ay tuluyan na rin kaming magkakaharap.


"Jade!"


Sigurado akong malapit ka lamang rito at naghihintay na mahanap ka namin.


"Jade!"


At sisiguraduhin kong maghaharap talaga tayo Kyle Fajardo, kung sino ka man.


"Jade!"


Huh? Napalingon ako sa kanilang dalawa, parehas silang nakahinto at mahigit tatlong hakbang ang layo ko sa kanila. Napahawak naman ako sa aking batok.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon