Chapter Twenty six - Familiar faces

6 2 0
                                    

Chapter Twenty-six

Jade's POV

"Oh, ito na pala ang champions natin!" masayang anunsyo ni Noah mula sa table namin at naglingunan kami lahat sa left side, doon nga namin nakita sila Blake at Clea na pabalik na sa aming puwesto. Yes, they won at hindi lang 'yun, champion pa!

"Ang lakas naman pala talaga kapag nahalikan oh? Hahaha!" tuloy pang banat niya kaya naghiyawan kaming mga nasa table, except kay Kyle na malawak lang ang ngiti.

"Hoy Noah, sinasabi ko saiyo gigibain ko 'yang arko mo! Tigilan mo kami ah!" sagot ni Blake pagka-upong pagka-upo niya pa lang na mas lalo namang nagpatawa sa aming lahat. Since tapos na nga ang awarding ay naging parang after party na ang lagay ng event na 'to. The music was still there, hyping up every person present in the room and they were also serving drinks, mapa-hard man o cocktail lang.

Since champion sila Blake ay nanlibre sila ng dalawang bucket ng beer at nakaka-dalawang bote na rin ako. My alcohol tolerance is high pero pag pinagmamasdan ko sila Kyle at Zach, it seemed to me that their's are damn higher. Paano ba naman kasi, kung uminom ay para lang lumalaklak ng tubig at wala man lang epekto sa kanila 'yun! Tsk.

Speaking of Kyle... Yes, I was really shocked sa nalaman kong sugat niya isang buwan na ang nakakaraan. That night, I ran away. Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi o kung paano ako nakalabas ng ospital, basta ang alam ko na lamang ay iyak ako ng iyak at lagi na lang akong lutang na hindi ko namalayan ang bilis ng panahon.

Right now, I was watching him while drinking my beer straight from the bottle.

Of course, I did think about him and his wound. Mahaba at masuri talagang pag-iisip. Pero kahit ano pang pilit kong kumprontahin nanaman siya at itanong mismo sa kanya ng harapan ang bagay na nadiskubre ko ay para bang ayoko nang maulit 'yung nangyari dati. Kaya kahit gusto ko pa siyang paghinalaan ay hindi ko magawa, siguro nga ay nabigla lang ako ng gabing iyon, because whenever I tried to convince myself that he was the one I encountered that night ay mas nangingibabaw sa isip ko 'yung mga pangyayari nung gabing iniligtas niya ako.

Para akong nanghihina kapag bumabalik sa akin 'yung itsura ng mga mata nung nasa park kami.

Maybe I was just too reckless to doubt him? Malay ko ba kung saan pala nanggaling ang sugat niyang iyon? Shit na 'yan, ni hindi nga makatayo paano pa kaya ang makatakbo? Damn, I really don't know what the hell is happening to me pero hindi ko talaga makumbinse ang sarili ko na paratangan nanaman siya.

Lagi nalang nasasapawan, at kahit ano pang tanggi ko? Walang nangyayari.

"Babe we should go home," rinig kong sabi ni Dawn na medyo naka-inom na rin, natawa lang si Noah at ngumuso, "You think so babe? Okay, hehe let's do that." naknampucha, lasing na 'to. Tumingin naman ako sa mga kasama ko at ako na lamang ang medyo nasa wisyo. Si Clea kasi ay kanina pa walang imik at dire-diretso lang sa beer niya. Si Blake naman ay umaalalay at kanina pa siya pinapagalitan pero parang wala talagang naririnig kaya napapainom na lang din siya sa inis.

Ang cute talaga nila, haha!

Hindi nga lang mawala sa isip ko 'yung nangyari kanina kaya ayun, may maasar nanaman ako kay Blake Raven. Napa-smirk na lang ako. Yari ka sakin boy, basag nanaman ang angas mo sa akin!

Dahil nga nag-aaya na si Dawn ay napag-desisyunan na naming umuwi, nagsitayuan na kami at agad na umalalay si Blake dahil muntik nang matumba si Clea, si Noah naman ay naka-akbay na rin kay Dawn. 'yung dalawang mag-kaibigan? Ayun parang wala lang, pero halata sa mga mata nila na nakainom sila dahil mapupungay na ang mga ito.

Si Zach ay medyo dumaldal nga lang, though I would take that as the beer talking. Hindi naman kasi palasalita ang isang 'yan, kapag nagtatalo lang sila ni Kyle umiingay.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon