Chapter Seven - No turning back

160 17 5
                                    



A/N Ito na po!!!!! Sana po makabawi kami hehe :> Maraming salamat po sa pagbabasa (kung meron man hahaha). Goodnight~


Chapter Seven

Third person's POV


Kinabukasan pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng klase ni Jade sa hapon ay agad siyang naglibot libot sa kanilang university na dala-dala ang mga ebidesniyang nakalap nila sa makalipas na ilang linggo sa isang maliit na bag.


She was really certain she had already seen those Chinese characters somewhere.


Kaunting libot pa at hindi nga siya nagkamali, napakaraming vandal gamit rin ang pulang spray paint sa mga pader ng school malapit sa court. Vandalism was prohibited in their campus pero may ilan talagang siraulo at malalakas ang loob na gumagawa nito.


Sinundan niya ang mga sulat sulat sa pader at mas lalo pa itong dumadami hanggang sa marating niya ang isang parte sa kanilang eskwelahan na medyo tago. Malaki kasi ang campus nila at literal na puro damo at puno ang university.


Halos atakihin siya sa puso ng may humablot sa kaniyang braso na isang lalaki.


"Anong ginagawa mo dito miss?" tanong niya, bigla namang nag-init ang dugo ni Jade thinking na hindi niya naman pagmamay-ari ang parte ng school na ito kaya bakit siya nagtatanong ng ganiyan?


She looked at him from head to toe at napasinghal, thug life huh? She thought. May piercings kasi ito sa isang tenga at naka loose din ang dalawang butones nito sa uniform. Lahat ng bawal ay nasa kaniya na ata.


"Pwede ba?" iwinakli niya ang pagkakahawak sa kaniya ng binata at magpapatuloy sana muli sa paglalakad ng muli siya nitong hawakan.


"Huwag mo kong sagadin, umalis ka na dito." Pagbabanta sa kaniya nito kaya tinignan niya ang lalaki ng masama.


"Bitawan mo nga ko! Tangina ano ba!" pinipilit niyo itong alisin ngunit malakas talaga ang pagkakapit ng lalaki.


"Tinatanong kita, anong ginagawa mo dito?" napakalamig ng boses nito kaya hindi niya maiwasang mapatitig sa mga mata ng binata, sasagot sana siyang muli nang mahagip ng kaniyang mga mata ang tattoo nito sa may bandang braso na nakahawak sa kaniya. Chinese characters.


"Are you fucking kidding me, what a coincidence," napangiti ang dalaga at malakas na tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki. Tinitigan lang naman siya nito dahil sa kaniyang mga sinabi.


"Tell me are you fucking Kyle Fajardo?" she questioned and it's her turn to hold his arm at inikot pa ni Jade ang kaniyang braso para mas lalong makita ang tattoo.


Napatawa naman ng saglit ang binata.


"And how the fuck did you came up with that conclusion?"


"Yung tattoo mo!" he snickered at the girl.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon