Chapter Twenty eight - Taking responsibility

3 2 0
                                    

Chapter Twenty-eight

Jade's POV

Lumipas ang tatlong araw simula nung nasa shooting range ako kasama 'yung tatlong babae. Ang sarap mura-murahin ni Kyle sa ginawa niya, hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil doon, leche talaga! Pinagmukha niya lang akong tanga na umiiyak para sa buhay niya, tapos siya tatawanan lang kami? Halos hindi ako makatulog nung gabing 'yun dahil iniisip ko 'yung mga inaakto ko sa harap niya at buti nalang talaga ay wala akong nagawa o nasabing magiging dahilan nanaman ng pagkapahiya ko sa kanya kundi masasapak ko na ang sarili ko.

Kung alam niya lang kung paano hindi agad naka-recover si Blake dahil sa ginawa niyang iyon, pero sa ngayon ay okay naman na siya, back to normal kahit alam kong hinding-hindi niya malilimutan na nangyari 'yun sa kanya. Kawawang bata, tsk.

Sa ngayon ay nasa isang buffet restaurant kami na medyo may kalayuan sa lugar ko. For some reason, Noah asked all of us to gather at this buffet restaurant for a dinner, he even paid all the bills sa aming pito and he looks so happy. Bakit kaya?

Tahimik lamang akong kumakain at diretso lang ang tingin ko sa dami ng prawn fish at buttered shrimp na kinuha ko kanina sa buffet table. Hindi ko na yata mauubos 'to, fuck masusuka na yata ako sa kabusogan.

Only the three of us girls were left with food on our plates however the guys have eaten so fast like they didn't get the chance to in 10 years, o sadyang mabagal lang talaga kami.

"Guys, I think this is the perfect timing to announce something. Medyo matagal na rin naming tinatago 'to mula sa inyo pero ngayon malalaman niyo na. Nothing really big, but 'wag sana kayo magulat ng sobra ah?" napatigil ako sa pagnguya at halos magsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Noah. Eto na, saglit akong tinamaan ng nerbyos ngunit agad ding nawala nang mapagtanto kong good news pala ang ihahatid niya sa amin.

Nang mapansin niyang ang atensyon ng lahat ay nasa kanya na at wala ng nagsalita pa, huminga muna siya ng pagkalalim-lalim at saka ngumiti ng malawak, "...Dawn's pregnant." walang pagdadalawang-isip at diretsahan niyang anunsyo sa aming lahat.

Saglit na parang tumigil ang ihip ng hangin at nawalan ng ingay ang mundo, it took a good few seconds before it even processed in my mind what the hell did he just said!

Dawn's pregnant?!

Nanlaki ang mga mata ko't parang nagpintig ang dalawang tenga ko. A-ano raw?

Hindi lang pala ako ang nanlaki ang mga mata sa aming narinig, kundi kaming lahat na nasa isang round table ngayon ay nagkatinginan sa isa't-isa't biglang nalito sa tinuran ni Noah. Sila Clea at Blake ay natawa na lamang, samantalang sina Zach at Kyle naman ay nanatiling tahimik na mistulang hindi batid kung ano ba dapat ang maging reaksyon. Joke time lang ba 'to? May tutusok talaga ako ng tinidor kung ganun.

"Ulitin mo nga Noah 'yang sinabi mo?", naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya, "Dawn, nagfi-feeling father to be lang ba 'tong boyfriend mo?" kinuha ko ang kanina kong hawak na tinidor at pabiro itong itinuro sa direksyon ni Noah.

She softly caressed her tummy and smiled sweetly at me, "Noah's right, you heard it right Jade. I'm pregnant." natawa nalang ako, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"What..." bulong ko sa aking sarili. Wala naman kasi sa itsura nilang dalawa, lalo na si Dawn, na magawa ang bagay na iyon ng ganito kaaga. Siguro ganun lang talaga ni kamahal ang isa't isa?

And then it hit me, I finally realized kung ano 'yung hawak nilang mga brown envelope at papeles nung nagkita kami last week sa pastry shop!

At dahil katabi ko lang naman si Noah ay 'di na 'ko nagpaligoy-ligoy pa't pabiro ko siyang kinwelyuhan, "Hoy Noah, ano 'to? Hokage ka ba? Tell me na ginu-good time niyo lang kami. Are you even sure you can handle the responsibility?"

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon