Chapter Nine - An oath for help

127 16 8
                                    



a/n hello goodmornight po! haha maraming salamat po sa paghihintay -kung may naghihintay man. salamat po sa pagbabasa as always! eto na po~


Chapter Nine

Jade's POV


Nasa isang restaurant kami ngayon malapit sa bahay nila Blake, nagkayayaan lang at mas pinili naming mag-occupy ng table sa labas para mas masaya. Kasama rin namin ang girlfriend ni Noah at para narin namin siyang barkada.


I was so busy with my pizza when I noticed all of them became quiet all of a sudden, lah? Iniangat ko ang aking ulo at doon ko nakita si Kyle kasama si Zach at nakatayo malapit saamin. He was wearing his same stupid black jacket na suot na niya eversince magkita kami matched with his ever stupid snapback na hindi rin niya tinatanggal. Ano to? Hindi ba siya marunong maglaba?


"Are they your friends guys?" tanong ni Dawn, nasapo ko na lamang ang aking ulo. Shit this.


Narinig ko naman ang pagsingal ni Patrick at nagpatuloy nalang sa pagkain. Dahil napuno narin ang mga tables sa loob ay sa labas narin sila kumain, ugh mas bumigat tuloy ang atmosphere.


Nilingon ko sila isa-isa at tahimik na silang kumakain pare-parehas, parang biglang nawalan ng gana ang lahat, nakita ko rin na dapat tatayo si Patrick upang puntahan si Kyle at komprontahin ngunit pinigilan siya ni Noah, mistula silang nag-usap gamit ang mga mata.


Patuloy lang kami sa pagkain ngunit bigla akong napalingon sa may bandang kalsada ng marinig ang malakas na gasgas na tunog ng mga gulong.


Ilang sandali pa ay may dalawang nakamotor ang huminto sa mismong harap ng restaurant at naglabas ng baril. Biglang nanlaki ang aking mga mata at literal na sumabog ang kaba sa aking dibdib.


Pagkakita ko pa lamang dito ay agad akong napasigaw ng "Shit dapa!" at sa isang iglap ay umalingawngaw ang putok ng mga baril at mga basag na salamin.


Lahat kami dumupa, lahat kami hindi alam ang gagawin. Wala akong iniisip ngayon kung hindi ang kaligtasan ko at ng aking mga kaibigan. Sa mga oras na ganito pala talaga ay mapapadasal ka nalang.


Puro sigawan at mga taong tumatakbo, I carefully looked at my friends and their eyes were filled with such panic. Nanginginig man ay nilingon din ko ang dalawang nakamotor, nakatingin sila sa pwesto namin. Bigla akong nanlamig ng todo ng itaas muli ng isa sa mga gunman ang kaniyang braso at itutok ito sa pwesto namin.


Parang akong nabingi, parang huminto ang paligid, iipuputok muli sana niya ang baril sa mismong kinalalagyan namin ng biglang tumakbo si Kyle palapit saamin at buong lakas na itinaob ang bakal na mesa. Tatlo, apat na putok.


Wala akong nagawa, naka-awang lamang ang bibig ko habang ang mga luha ay nagbabadya ng kumawala sa aking mga mata.


Narinig ko ang pag-andar ng makina tanda na wala na sila, I am fucking shaking to death. Nagsimula ng mag-iyakan ang mga kaibigan ko at ako nakatulala lang sa trauma. Agad akong sumilip at nakakita ng dugo... Dugo... shit.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon