Chapter Thirty - Things forgotten

7 2 0
                                    

Chapter Thirty

Kyle's POV

"Have you tried calling her again?!" I shouted as I ran my fingers through my hair because of utter frustration. Shit. I saw how Zach grew more restless as if he wasn't frantic as fuck already because of the situation. Asan na ba kasi 'yon?!

"H-hindi ko nga kasi macontact, dude! Huwag mo akong sigawan dahil mas kinakabahan ako sa'yo namoka!" napahilamos ako sa aking mukha and bit my lower lip on impulse. Sinasabi ko na nga ba, ang babae talaga na 'yon ang magiging sanhi ng pagkamatay ko dahil sa pagaalala.

"Bakit—bakit kasi wala man lang nakapansin na kanina pa siya nawawala?" mas kalmado ko nang pagtatanong at napaupo sa damuhang inaapakan namin ngayon. Kanina pa tapos ang burol nila Noah at Dawn at nung nagsialisan ang mga tao ay doon lang namin napansin na kulang pala kami ng isa. Because Rinoa just goddamn disapperead out of nowhere and fuck what are the chances that she's not in danger lalo pa't nagkakaganito kami ngayon!

Pinauna ko na rin sila Blake at Clea sa bahay ng mga Fariñas dahil kagaya ng nakagawian matapos ang libing ay magsisibalikan pa ang mga tao roon at para na rin malaman kung nauna bang bumalik si Rinoa sa amin kaya hindi namin siya makita ngayon.

"Eh kasi puta naman, Kyle! Why aren't you checking your goddamn phone! Baka sa'yo pala nagtext si Jade kung saan siya nagpunta tapos nagkakaganito tayo rito!" his hands were now making these big gestures into the air as he was glaring at me at the moment. Mas lalo naman akong napahilamos sa aking mukha.

"Asan ba ang utak mo? Nawawala nga ang cellphone ko 'di ba! Nawawala! Hindi ko mahanap!" Napayuko ako habang nakapatong ang dalawa kong siko sa aking mga tuhod at tsaka ginulo ang buhok ko gamit ang kaliwa kong kamay.

"Dude, can't we just calm down? Mag-isip nga muna tayo, because it's really unlikely of you to behave like this." Inangat ko ang paningin ko kay Zach and he was very much against the light dahil natatakpan niya ang araw sa likuran.

"Like what?" halos pabulong ko nang pagtatanong.

"Like you're losing it! And like the word rational never existed in the dictionary! Kumalma ka nga, Fajardo. Dahil ako na mismo ang sasapak sa'yo kapag pinagpatuloy mo 'yan. " we both looked at each other's eyes at hindi ako makapaniwalang ako ang unang sumuko sa sukatan namin ng tingin. Napabuntong hininga ako.

"I-I know I'm being unreasonable, but wherever she's concerned, I don't know I just seem to have lost all the sense of perspective. I'm sorry, dude. Alam kong naiintindihan mo," this time I stood up and dusted my behind,"...dahil isinugal ko na siya nang isang beses, Zach. At hinding hindi ko na siya isusugal ulit." He nodded at me, put his hands inside his jeans' pockets and sighed na talagang tumaas pa ang dalawang balikat niya.

"Yeah." isang tipid na ngiti ang nakita ko sa kanyang labi at sabay kaming napahinto na lang at tumingin sa malayo na animo'y may malalim na iniisip. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi ako kinakabahan, sadyang nagaalala lang ako kung saan siya nagpunta and I don't know if it's a good sign or not. Because honestly, all that would put me to ease right now is her voice and she herself standing right in front of me. I just hope walang masamang nangyari.

"So saan tayo maghahanap?" tinignan ko siya saglit at nang magsasalita na dapat ako ay parehas kaming napatigil dahil biglang nagring ang cellphone niya. I gestured at him so he could take the call.

"Hello?. . . Blake?. . . Yes, I'm with him. . . Talaga? O sige, sige pupunta na kami d'yan." I gave him a questioning look as to why Blake needed to know if he's indeed with me. Napalunok ako, hindi kaya ay may nangyaring masama?

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon