A/N hello po goodevening! salamat po sa paghihintay~ *awooooo*
Chapter Four
Jade's POV
Matapos ang ilang minutong pagtakbo at paghahanap, nakarating kami sa pinakadulong floor ng aming building na wala masyadong tao at may konting kadiliman and the moment our feet landed on the said damned floor, we saw several footsteps stained with dried blood and we followed it without the slightest hesitation that eventually lead us to the girls' comfort room. Shit sent shivers down my freaking spine.
To my surprise the door was locked, nasapo ko na lamang ng marahas ang aking sarili at may nakadikit pa na papel dito, nakasulat pa ang *DO NOT OPEN. LIFELESS BODY AHEAD* nangilabot ako sa nakita dahil mantsado rin ito ng natuyong dugo at maging si Clea ay napasinghap na rin nang dahil sa mga nakikita.
"J-Jade, h-hindi kaya nandiyan sa loob si Audrey..?" mautal-utal na tanong sa akin ni Clea at unti-unti na siyang namumutla, I calmed her down pero mismo ako sa sarili ko ay hindi ko rin naman maiwasang hindi kabahan. Frankly speaking, konti nalang talaga ay malapit ng sumabog tong dibdib ko because of the fucking tension.
"We can't tell, unless we open it and see for ourselves.." sagot ko sa kanya and I tried my very best to sound calm pero wala naman yatang epekto.
"How can we know? Paano natin mabubuksan yan kung naka-lock? Fuck this shit!" aligaga niyang tugon sa akin but I couldn't blame her. Could the situation get any worse than this?
Nangingilid na ang mga luha ko kaya marahas ko itong pinunasan, naiinis ako ng sobra sa gumagawa nito sa amin kaya hindi ko mapigilan kung hindi sipain ng napakalakas yung pinto but in the end, of course it never opened and I ended up getting hurt. Stupid move Jade.
Good timing nga naman ay saktong dumating sila Patrick at Blake kaya medyo nakahinga ako ng malalim. Fucking culprit won't fucking leave usable items to save our souls! Paano nalang pala kung hindi dumating tong dalawa na to? Maski pagsamahin mo ang lakas naming dalawa ni Clea ay hindi pa rin yan mabubuksan.
Being the gentlemen they are, full force silang dalawa na binuhos ang kanilang mga lakas just to open that goddamn locked door and I could've sworn at the moment nung nabuksan ito ay halos masuka ako sa nadatnan.
Dilat ang mga mata ni Audrey at ang kanyang wala ng buhay na katawan ay nakahandusay lamang sa sahig, punong-puno ng dugo na nanggaling sa kanyang leeg na mistulang ginilitan. Hindi lamang ang kanyang leeg bagkus pati ang magkabilaang dulo ng kanyang labi ay hiniwa rin ng pahaba na kung ihahalintulad ay parang kay Joker. Tangina ng gumawa nito... Muntik akong mapaluhod kung hindi ako nakakapit kay Clea.
Sa may salamin ay nakasulat dito ang, "Told you not to open it right?" gamit naman ang pulang lipstick na madalas ay gamitin ni Audrey. Punong puno rin ang CR ng mga vandal na "Why so serious?"gamit ang pulang spray paint, pati narin sa salamin.
Fuck this shit! Nang-aasar talaga siya!
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystery / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...