Chapter Three - Rebel with a cause

189 18 3
                                    

A/N JADE RINOA in the multimedia section :> (omg) sige po ito na~


Chapter Three

Jade's POV


"Jade namiss talaga kita!" and there goes Clea being clingy as fuck again haha. Paulit ulit siyang namiss niya talaga ko at nakakatuwa naman yun. Kasi yung iba kung ganoon katagal kayong hindi nagkita eh halos hindi na mag-uusap. Yung tipong simpleng hi, hello lang tapos wala na.


"Oo na po! Haha teka, may kulang saatin ah?" I stopped from my tracks at nagkatinginan naman sila habang nakangiti.


"Where is he?" tanong ko. Clea giggled, damn so cute!


"Asan nga?!" humalukipkip ako at mas lalo pa silang napatawa na sabay.


"Kahit kailan talaga maiinitin parin ang ulo mo eh no!" Blake poked my forehead.


"Ito na po, easy ka lang blondie," sambit ni Clea at dinilaan pa ako.


"Shut up red head," ganti ko naman. Ilang sandali pa ay nag dial siya sa kaniyang phone.


"Hey? Asan ka?... Punta ka dito sa canteen bilis!....Aish ang arte!...May papakilala kami sayo!" I watched how she spoke on the line at ang dami niyang facial expressions, nagpatuloy narin kami sa paglalakad at umupo sa isa sa mga table sa canteen.


Ibinaba na niya ang phone at humarap saakin, "Teka lang daw sabi ni sungit," natawa naman ako, wala talagang pinagbago.


"You guys are unfair iniwan niyo ako." Humalumbaba ako sa lamesa namin at kunyaring nagtatampo.


"No ano ka ba actually dito rin lang kami nagkita kita, hello? Ang tagal na kaya, ikaw na lang ang hinahanap namin eh hindi ka namin makita kita!" she reasoned, tumayo naman si Blake at nagpaalam na bibili raw ng maiinom.


"I'm just kidding though, hindi rin naman talaga siguro tayo magkikita. Hindi naman ako lumalabas ng room namin eh, at kung oo sa court lang ang diretso ko," I shrugged.


Maya maya lang din ay may lalaking umupo sa upuan ni Blake, sa tabi ni Clea. Napatingin naman agad ako sa kaniya, ang tangkad pucha muntik na kong mabalian ng leeg nung nakatayo siya. What can I say, full lips and shining eyes?


Napatingin naman ako kay Clea, manliligaw niya?


"What do you need?" he turned to her at parang balewala lang ako. Aba bastos 'to ah! Kidding, sino ba ko para magreklamo.


"Hoy sungit ang tagal mong dumating! Wag ka ngang pa-VIP pinaghintay mo pa si Jade," nabigla naman ako at napaturo sa sarili ko.


And then a realization hit me.... Sungit? Oh fuck don't tell me?


"Jade who?" tanong niya halata mong naiinis at tinapunan pa ako ng tingin, aba kung hindi lang gwapo 'to kanina ko pa binigwasan! Oh my god don't he dare make me feel like a trash!?

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon