a/n hello po! sa wakaaas last day na po namin bukas haha! and that means more time to write hehe. salamat po sa paghihintay. enjoy~
R|E|A|D
Chapter Twenty-two
Jade's POV
Nagising akong parang ang daming nagtatalo sa paligid, ang ingay-ingay at samu't-saring boses ang naririnig ko ngunit nangingibabaw sa lahat ng iyon ang isang hindi pamilyar na tinig. Pilit nitong tinatawag ang pangalan ko at wala akong ibang magawa kung hindi ang magmulat ng mga mata.
I winched because of the pain I felt in my forehead, shit ang sakit. It was throbbing as fuck at pakiramdam ko ay may humahatak ng ulunan ko at paulit-ulit na iniikot iyon, ganung hilo ang nararamdaman ko.
"At last! Gising na kayo pareho!" pumikit-pikit pa ako ng makailang beses at tsaka pinilit na iupo ang sarili ko sa sofang hinihigaan ko pala, may umalalay sa akin at paglingon ko ay si Blake 'yun. Napatingin ako sa harapan ko at doon napansing nakatayo si Zach at pailalim ang titig sa akin.
Anong problema nito? Napahawak pa muna ako sa aking noo bago tuluyang nag-sink sa akin lahat-lahat ng mga pangyayari kagabi at doon talagang nanlaki ang mga mata ko. Puta!
"S-si Caroline! Shit! Zach! Si Caroline!" paang wala sa wisyo akong nagsisigaw at tumingin isa-isa sa kanila ngunit walang nagbabalik ng aking mga titig, a-anong nangyayari?!
"Jade, calm down. I heard everything from Zach. Calm down okay? Baka mahilo ka." dinig kong sambit ni Blake sa tabi ko at pilit akong inakay para maupong muli, pero hindi nun nagawang pahupain ang nagwawalang sistema ko dahil shit, parang ang naranasan ko kagabi ay isa talagang memoryang hindi basta-basta malilimutan lalo pa't nagdala ito sa akin ng kakaibang takot na noon ko lang naramdaman. Takot para sa kasama ko, takot para sa sarili kong kaligtasan at takot sa kung anong magagawa ko sa lalaking sumunod sa amin.
Napapikit ako sa napagtanto. Fuck muntik akong makapatay. Sa hindi malamang dahilan ay nanginig ang mga kamay ko at mabilis kong naramdaman ang naging pag-init ng aking mukha at namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko.
"See? This is exactly what I was warning you two about! Pero ano, nakinig ba kayo? Putangina papatayin niyo ko sa kaba!" para akong batang pinapagalitan ni Zach at wala akong magawa kung hindi ang tumungo. Pilit hinahanap ng mga mata ko si Caroline pero wala talaga siya. Asan na ba 'yun?
"Zach, hindi ka dumating! Asan si Caroline!" lumuluha na ako sa mga oras na 'yan ngunit pilit kong pinapalakas ang loob ko at dinidiretso ang gumagaralgal ko ng boses.
"I came Jade! And God knows how I went batshit after your call! Dumiretso akong kwarto ni Kyle para magpaalam dahil tapos na rin naman siyang gamutin but fucking imagine my shock nang matagpuan ko 'yang nakahandusay sa gilid ng kama niya, duguan ang noo at nawawala pa si Skyler! King ina niyo! Hindi ko alam ang uunahin ko, halos mabaliw ako sa bilis ng mga kilos ko! Hindi ko alam, ano tatawag ba 'ko ng nurse ulit? Hahanapin si Skyler dahil baka hindi pa nakakalayo? O magtatakbo palabas ng lintek na ospital na 'to at sundan kayo!" mahabang litanya niya sa amin at doon ako mas lalong naiyak.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystère / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...