A/N Hello po! Kami po ulit 'to haha :D Sana po suportahan niyo ulit itong pangalawa naming story! Happy Halloween guys~ awooooo.
Chapter One
Jade's POV
"Oh my god Patrick Gonzales you are not with a goddamn book again!" puna ko pagkarating na pagkarating ko pa lamang sa aming room sabay hatak ng libro sa kaniyang kamay. This dude is obsessed with books, rare for guys these days to be honest.
He then removed his eyeglasses and shot me his glares and daggers.
"What're you doing in here? Wala ka bang practice?" he sighed at umayos ng upo. Galit nayan oh?
"Nah, can't you see I'm in my team uniform? Kagagaling ko lang sa practice," I stuck out my tongue to him, tumayo naman siya at binawi ang libro sa kamay ko. Sungit talaga nito, kaya walang lumalapit eh. Sayang mukha tsk.
"Eh ano," lapit niya sa mukha ko at inihilig pa ang kaniyang ulo habang binabangit ang dalawang salita na 'yon ng madiin. I really don't get him, ang sungit sungit tapos binabara pa ko, pero kadalasan naman palabiro. Weirdo.
"Tss. Sige diyan ka na sa libro mo, pagpalit mo na ko diyan," humalukipkip ako sabay irap para kunwari nagtatampo talaga. Lumapit naman ako sa aking upuan at kinuha doon ang water jug ko.
"Manunuod naman ako ng game mo mamaya ah, so why the hard feelings?" tingin niya saakin over his book.
"Hmpf. Sige na nga haha," pagtawa ko naman at nagpaalam na sa kaniya. I was just really joking, ang sarap niya kasing asarin masyadong seryoso eh. Hindi ko nga alam paano kami nagkasundo niyan? Maybe mystery books and horror shits binds this friendship of ours. I'm thankful though, na nakabangga ko siya that time noong 'Ghost month feast' sa university namin. Naguunahan kasi kaming masolve yung riddle na binigay nung host at pumunta sa unahan na naging dahilan pa ng banggaan namin.
But nevertheless I won the contest, ako pa ba? And since then, we became close hanggang sa sobrang dami na naming pinagsamahan kahit sa maikling panahon. It was like our personalities were made perfect fit for each other. I mean, really.
Tatlong oras na ang makalipas simula ng aming practice at ngayon ay pinagpapahinga na lamang kami ni coach para sa game mamaya. Dadating yung kabilang univ dito at home court advantage namin, so... goodluck sa kanila.
Nakita ko naman na nasa bleachers na sila Patrick with Audrey, Caroline and Skyler. Naks, touch naman ako! Kaso wala si Ezra, sayang all out support na sana. I turned my head to them and made a gesture for crying, nagtawanan naman sila pero si Patrick nakatitig lang sakin. Problema naman nito?
I thumbs up and they did too.
And then the game started.
All I could ever hear now were the loud cheers for both of the teams. Kabadong-kabado talaga ako pero syempre ayaw kong pahalata iyon, kapag tinitingnan ko ang mga tao sa paligid, it's as if they were all rooting for me which is something I don't wanna feel at all dahil nakakadagdag ito ng pressure ko. Hindi ko first time na maglaro of course dahil ilang buwan narin akong parte ng team at puro practice. Pero shit first game ko to bilang parte ng badminton team ng university namin na lalaban sa iba, so ganito pala ang feeling? Damn it.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystère / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...