A/N Hello hahahaha at dahil 18th birthday po ni A eh nag-update kami woot woot! Parreh parreh! (legal na! haha)
Chapter Twenty-four
Blake's POV
Ahhh, today's the day! Tatlong linggo rin kami halos walang maayos na pahinga ni Clea dahil sa practice, ngayon nalang uli ako nakapagpawis ng ganito dahil kung wala naman kaming sinalihang tulad nito ay malamang naka-hibernate lang ako sa kwarto sa mga oras na 'to.
"Blake! Shit ka talaga! Napupuno na 'ko sa'yo ah, hindi ka ba marunog itapon 'yang mga kalat mo?! You're really driving me crazy!" pagrereklamo ni Clea habang siya naman ang tagapulot ng mga kinakalat ko. Yup, I'm doing it on purpose just to piss her off.
"You're really driving me crazy!" I imitated her tone and mockingly repeated what she said para mas maasar siya lalo. Ang cute niya kasi 'pag naasar na, kitang-kita mo ang pamumula niya sa inis dahil sa pagiging naturally pale-skinned niya, and I think that's unique.
Napasigaw naman ako sa sakit nang bigla niya akong batuhin ng walis tambong hawak niya, oo masakit talaga. But for the fun to continue, I gotta endure the pain and laugh at her instead but then— oh dude, she's glaring at me now and she looks so mad?
"'Uy, 'to naman oh 'di na mabiro, haha." kinuha ko ang walis tambong binato niya sa akin at naglakad ako papunta sa kanya para ibalik ito. Hindi niya 'ko pinapansin, badtrip na badtrip yata sa'kin? Wait ano bang nagawa ko kaya nairita siya ng ganito, 'di ko na matandaan.
"Manahimik ka." 'di niya rin talaga ako nililingon ah, saka ang lamig ng tono ng boses niya kaya natigilan ako. Hala, yari ka Blake?
"C-Clea, galit ka?" pumunta ako sa harapan niya at nag-pout sabay puppy eyes. Ayaw niya talaga ako tingnan! Bakit kaya?
"Don't talk to me, you shit." at kung kanina ay puro mga kalat ko lang ang pinupulot niya, ngayon ay nililinis niya na ang buong sala namin! Wow may instant katulong na pala 'ko! Presensiya ko lang ang bayad ko haha. Seriously, anong trip niya?
"Cleaaaa~~" pa-cute kong pagtawag sa kanya, this time hindi ko na siya inaasar gusto ko lang makuha ang atensyon niya.
"Shut up." ouch, okay. Bye. Alis na 'ko.
"Clea kung 'di mo ako kakausapin magba-backout ako sa competition last minute." pagbabanta ko sa kanya. Maybe this will do? Pero wait, was that really a threat? Eh ako nga pala ang sumali dito, pinilit ko lang siya na maging ka-partner ko.
"Go, I don't care, wala akong paki sa'yo. It's your loss anyway, not mine." ano daw! Ang sakit naman nun! Pero sabagay totoo naman hehe.
"You know what if you don't care about me you could have just left my own mess for me to clean, pero bakit mo pa rin pinulot?" sinusundan ko lang siya sa bawat sinasabi ko at kinukulit sa kung saang parte ng sala namin siya mapunta sa kakalinis niya.
"Because I hate seeing mess, and for your information, 'di ako naglilinis because I care about you. I'm doing this kasi kawawa naman ang parents mo kapag naabutan na ganito kakalat ang iniwanan nilang bahay." pawis na pawis na siya sa ginagawa niya pero tinutuloy niya pa rin 'yung pagwawalis, sa lawak ba naman ng sala namin, ako ang napapagod sa kanya eh!
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Misterio / SuspensoFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...