Chapter Ten - Trust, reasons and fate

127 15 3
                                    



A/N Hello po ! nakapag-ud din sa wakas haha pasensiya na po ang dami kasing inaasikaso ngayon especially kailangan na po naming humanap ng bagong school for senior high kaya medyo natatagalan po talaga kami. pero eto na po! maraming salamat po sa paghihintay~ SALAMAT DIN PO SA 500 READS!!! *sabog confetti*


Chapter Ten

Jade's POV


Ilang oras pa man bago mag alas-kwatro ay hindi na ako mapakali pa sa room namin. I can't help but to think of the what-ifs and possibilities. Yung mga malalaman ko ba mamaya, ikaka-bigla ko? May matutulong ba yun sa mga kaso ng kaibigan ko?


Mapagkakatiwalaan ba namin talaga si Kyle?


Napaka-daming tanong, pero ni isa walang masasagot hanggang hindi pumapatak sa alas-kwatro ang orasan ko. Hindi na talaga ko mapakali.


And so around 1 pm during my vacant time, nagpunta ako sa room nila Blake at Clea bringing Patrick and Noah with me. Sakto namang nakita ko na wala pa silang prof nung mga oras na iyon kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na tawagin sila.


Sumilip ako sa may maliit na bintana sa pintuan ng room nila and Clea quickly saw me, she seemed a little surprised but smiled afterwards, I gestured her to come out for a second and grabbed the attention of Blake. Lumabas naman sila agad just as I said.


"Napadaan ka Jade? Vacant niyo?" kunot-noong tanong ni Clea sa akin dahil nakakapanibago nga siguro na lalabas ako ng room sa tuwing may bakanteng oras ako because normally I don't, unless may mag-aya sa akin. I said "yes" to her and she just nodded her head as a response.


I asked if I could talk to the three of them at agad naman silang pumayag ng sinabi kong tungkol ito sa mangyayari mamaya.


Nagtungo naman kami sa isang room na vacant dahil may mga ka-klase pa kami sa kanya-kanya naming mga classroom. Lumipas ang ilang segundo at lahat kami ay nakatingin lamang sa isa't isa.


"Do you think we can really trust that Kyle guy?" pagbasag ni Noah sa katahimikan. Hindi ko siya masisisi kung nag-aalangan pa rin siya sa kabila ng ginawang pagtulong sa amin ni Kyle. I know, he could be acting but.. I hope I'm wrong.


"Anong ibig mong sabihin? Do you still doubt him?" napahalukipkip ng mga braso si Patrick dahil sa tanong ni Noah.


"You know, he might be acting. He could be acting." mabilis niyang sagot dahilan para mapayuko ako.


"After saving our lives from that incident, sa tingin ko naman.. hindi niya yun planado. Isa pa, he was shot. He could've died." pahayag ni Blake habang nakapamulsa ang dalawang kamay at diretso lang ang tingin sa sahig. He was standing at the back of the door though.


"Oo nga't nabaril siya at muntik na niyang ikamatay iyon, but to me it seems like he was already anticipating something and so for him to actually look the good guy in our eyes, he saved us." mahabang saad naman ni Noah and come to think of it, he has a point.

Affliction Of IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon