A/N Hello po!! Good evening~ It's almost a month since last na UD namin hehe pero we're hoping na makakabawi po kami^^ Medyo may free time kaya po naisipan naming mag-update. As always, salamat po sa pagbabasa! Ito na po~ Enjoy.
Chapter Twenty-one
Zach's POV
Alas diyes na ng gabi nang bigla kaming makarinig ng tatlong katok sa pintuan ng kwarto ni Kyle. Agad kaming naalarma lahat at nakakatawa talaga ang itsura ng mga mukha namin pero napawi agad lahat ng iyon nang pumasok ang dalawang nurse at ang bawat isa sa amin ay nakahinga ng maluwag.
"Damn nurses," dinig kong bulong ng kaibigan ko at agad akong napalingon sa kanya. Sarap kutusan, eh kung hindi siya gamutin ng mga 'yan? Tsk, napailing na lamang ako.
Andito lang pala sila para palitan ang swero ng kaibigan ko at linisin ang mga sugat niya, 12 hours na kasi ang nakalipas. Kapag tinitignan ko siya habang ginagamot ay parang nanghihina ang mga kalamnan ko dahil sa nakikita. Ewan, parang ang sakit.
Matapos ang halos isa't kalahating oras ay nagawa na ang lahat ng dapat gawin, madaming listahan ng gamot at pain killers ang iniwang papel sa amin at kailangan daw naming bilhin 'yun ngayon na sa pharmacy malapit sa ospital dahil kailangan ng mainom 'yun ni Kyle o hindi makakatulog ang isang 'yan sa sakit.
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon pero hindi naman sobra, para lang biglang naging masama ang pakiramdam ko.
"Kami na lang ang bibili," pagpiprisinta ni Jade habang nakaturo kay Caroline, si Skyler kasi ay nakatulog na sa sofa, tinitigan ko muna siya ng matagal at pinakiramdaman kung papayag ba 'tong kaibigan ko.
"Sige." what the—? agad akong napalingon kay Kyle sa ginawa niyang pagpayag, ano bang trip nito? Asan ang isip niya! Paano kung may mangyaring hindi maganda sa kanila?
"Kyle!" asik ko at napalingon siya sa gawi ko, hindi ko mapigilan ang hindi mapatayo mula sa sofa na prenteng prente na akong nakaupo, sa may paanan ni Skyler. Bigla akong nabadtrip sa kaibigan ko sa hindi ko malamang dahilan, napatingin naman ako sa digital clock at nakitang pasado alas onse y medya na pala at pumayag pa siya?
"Sasamahan ko kayo Jade! Masyadong Delikado." sambit ko pero kumunot lang ang noo niya, ano bang problema nila! Ako lang ba ang nag-aalala?
"Pero walang maiiwan kay Kyle." lalong nagtagpo ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya.
"Andyan si Skyler," pilit kong pinakapakalma yung tono ko pero gusto ko na silang sigawan lahat, tch. Kung hindi lang sinabi ng mga nurse na 'yan na kailangang uminom ng gamot nitong si Kyle ay hinding-hindi ko sila papayagan na lumabas pa. Badtrip.
"Sige na Zach, walang mangyayaring masama." she assured me while looking directly at my eyes, but that wasn't enough to calm me down dahil masama talaga ang pakiramdam ko. King ina bahala kayo.
"Alis." malamig kong tugon na ikinagulat nung dalawa, dumiretso na lamang ako sa bintana at suminghap ng malamig na hangin, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Tajemnica / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...