*PLEASE READ* Sa dulo po ay may napaka-importante kaming Authors' note, please po pakibasa :)
Chapter Fourteen
Third Person's POV
Tila ba parang isang sirang plaka ang paulit-ulit na naaalala ni Blake sa kanyang isip ang mga huling salitang binitawan sa kanya ng nakatatandang kaibigang si Patrick bago ito tuluyang malagutan ng hininga.
Marahas na pinunasan ng binata ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata niya ngayon, dalawang araw na siya lumiliban sa kanyang klase dahil sa labis na trauma.
"K-kasalanan ko ba kung bakit nangyari iyon kay Kuya Patrick? Kasalanan ko ba? Ako ba ang dahilan?" tuloy-tuloy niyang tanong sa kanyang sarili gamit ang isipan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari na halos kunin din ang sarili niyang buhay.
Napasabunot nalang siya sa kanyang sarili at pilit na kinakalimutan ang bangungot na iyon, ngunit hindi niya magawa, wala siyang magawa.
Dahil kahit ano pa man ang gawin niya, ang mga salitang iniwan sa kanya ni Patrick ay habang buhay na niyang dadalhin, hanggang sa mabigyang hustisya ang kanyang sinapit.
Kinuha niya na lamang ang kanyang phone at pinakinggan ang voice message ni Jade sa kanya nung kinagabihan, "B-Blake, I know for sure you're still not okay. But I hope that you can come to.. to-" paghikbi ng dalaga sa kabilang linya bago mabanggit ang pangalan ng matalik na kaibigang wala na sa piling nila ngayon, "to Patrick's wake tomorrow. Please.. s-sana makapunta ka..." maayos man ang pananalita ni Jade ngunit halata mo ang kontrol sa kanyang sarili na wag humagulgol, at pilit na nagpapakatatag sa kabila ng masaklap na pangyayari.
Napapikit na lamang si Blake at nagpakawala ng isang malalim na paghinga, habang ang mga luha niya'y ngayo'y umaagos na sa kanyang magkabilang pisngi.
Tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at dumiretso sa CR upang maghilamos ng mukha. Matapos nun ay tinitigan niya ang kanyang mukha sa salamin na tila ba'y hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya ngayon dahil sa nararamdamang lungkot at galit na hindi niya maiwasang isisi sa kanyang sarili.
Sakripisyo, bigla niya nanamang naalala ang salitang iyon.
"I-I need to pull myself together.. You're not a weakling, Blake, yan ang tatandaan mo. You're Blake Raven Grivalde for a reason, and from this day onwards.. you should be able to hold a stand on your own, to stand for yourself." sambit niya sa kanyang sarili, ginulo-gulo niya pa ang sarili buhok at pinalo-palo ang mukha niya para hindi siya magmukhang mahina.
Mga ilang minuto rin siyang nakatayo lang at nag-iisip ng malalim, nakatingin sa kawalan at matapos ay wala sa wisyong lumabas ng banyo.
Dumiretso siya sa bintana ng kanyang kwarto at sa mabilis niyang pagdungaw ay doon niya nakita ang naghihintay na sila Clea, Skyler at Noah sa labas ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay muli siyang naupo sa kanyang kama at saka pumikit ng mariin.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Misterio / SuspensoFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...