A/N One of our favorite chapters!
Chapter Twenty-nine
Jade's POV
It was a Saturday. A very gloomy one I can't even find the will to get up and face the day, both my eyes and head felt too heavy. Pakiramdam ko gusto ko na lamang mahiga rito sa kama ko ng buong buwan dahil ayaw kumilos nitong katawan ko. Ngunit kahit pa ganoon ay pinilit kong iupo ang sarili ko. "Hindi naman hihinto ang oras, Jade. Kahit gaano ka nasasaktan at kahit gaano ka pa umiyak. You think the world and the universe will stop just to symphatize with how are you feeling right now? No, that's why you have to keep moving forward." Ang mga salitang iyan ang sinabi sa akin ni Noah noong mga panahong nagluluksa ako kay Patrick.
Hindi man eksakto ang pagkakatanda ko ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa utak ko ang pagdamay niya sa akin nung mga panahon na 'yon. Parang piniga ang puso ko sa mga naisip at unti-unti nanamang umiinit ang gilid ng mga mata ko, pero bago pa man tumulo ang masaganang luha ay pinunasan ko na ito. Alas siyete y medya na kasi ng umaga at kung magtatagal pa ako rito sa kama ay hindi ako makakasabay kila Kyle sa pagbisita.
Nadun na kasi si Blake at Clea magdadalawang araw na, doon sila natulog at umuwi lang ng madaling araw para maligo. Iisang lugar lang naman kasi ang funeral service nila dahil alam ng mga magulang ni Dawn at Noah na kahit pa sa huling sandali ay gusto pa ring magsama nung dalawa.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, kailangan ko ng kumilos. Noah's right, hindi hihinto ang mundo dahil lang sa nasasaktan ako.
Kaya kahit mabagal ang mga naging pagkilos ko ay iniraos ko ang pagligo hanggang sa pagpili ng isang simpleng puting dress at black na sandals. I looked at myself, mugto pa rin ang mga mata ko pero hindi na ganun kalala kagaya kanina, konting pulbos lang at lipgloss ay bumaba na ako at nagpaalam.
Pinuntahan ko 'yung magkaibigan sa parehong convenience store na pinaghintayan nila sa akin noong magpapracticing shooting sila. Naabutan ko silang tahimik na nakatayo sa tabi ng kani-kanilang mga motor at hindi man lang nag-uusap. They both look devastated as well, empty eyes and probably wornout souls.
"Jade," pagbati ni Zach at inaabot sa akin ang isang helmet, I looked at Kyle and he was looking at me intently na para bang ang dami naming gustong sabihin sa isa't isa. Isang tango na lamang ang ibinigay niya sa akin na ibinalik ko rin. Sobrang bigat ng umagang ito, parang ang tahimik ng paligid at malumanay ang hangin na dumadantay sa mukha ko.
Walang salitaang umangkas ako sa likod ni Zach at nang maayos ang lahat ay tinahak na namin ang daan patungo kung saan nakaburol ang dalawa naming kaibigan. Pagdating namin sa mismong lugar ay agad kong naramdaman ang mas mabigat na atmospera, naghintay ako saglit sa lobby dahil ipinark pa nung dalawa ang kani-kanilang mga motor na medyo nagtagal ngunit pagkarating din ay sabay-sabay na kaming umakyat sa ikalawang palapag.
Pagtungtong pa lamang namin sa second floor, left corridor ay sunod-sunod na ang mga bulaklak pang patay ang nakahilera hanggang sa marating namin ang mismong pintuan. It was a large room with dim yellow lights. Nasa harapan ang caskets nilang dalawa at parallel doon ay mga mahahabang upuan. There were 10 rows in total at higit dalawang metro ang haba bawat upuan, ganoon kalaki ang kwartong kinalalagyan namin ngayon.
Una naming pinuntahan ang mga magulang nila Dawn at Noah na busy sa pagentertain ng mga bumibisita, mahahalatang hinang-hina ang mga hitsura nila at maging ang mga mata ay lubog at napaka-lungkot. Tumagal ako sa pakikipag-usap sa kanila habang sila Zach at Kyle ay nagexcuse upang masilip na ang caskets.
"Tita Judy have you seen Blake and Clea?" pagtatanong ko sa mama ni Noah at agad din siyang luminga-linga upang hanapin ang mga ito. Kanina ko pa kasi sila hindi nakikita.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystère / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...