Chapter Two
Jade's POV
Mas nangingibabaw ang nararamdaman kong galit ngayon kesa sa lungkot. Oo, masakit na namatayan ako ng kaibigan sa isang iglap. Wala na si Ezra, pero ano pa bang magagawa ko? Nangyari na, and I don't want to fucking cry and weep my heart out because it would lead to nothing. I will never let this side of mine be the reason of my weakness this time, and to the fucking person behind this...I'm sure of one thing.
I'll find out who you are.
Nagmamadali akong naglakad paalis ng sports area at muling tiningnan ang sulat na natanggap ko, "I am his younger brother," and those seven letters "K Y L F J R D", iisang tao nga lang ba kayo?
Sinabi ko muna kila Patrick na wag muna akong sundan dahil gusto kong mapag-isa at makapag-isip ng maayos, sinusubukan kong maging matatag pero ang hirap pala.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang isang bakanteng classroom na nakabukas, walang anu-ano'y pinasok ko ito at isinara, doon ako umiyak dahil napakabilis ng mga pangyayari at sinong mag-aakalang sa mismong araw ng unang laro ko ay mawawalan ako ng kaibigan?
I'm trying my best to clear my heart and mind, I keep on doing breathing exercises pero hindi pala ganun kadali iyon. Habang nakasandal yung likuran ko sa pinto at niyayakap ng mahigpit ang mga tuhod ko, nabigla ako nang may biglang magsalita. Shit, may tao pala!
"A-anong iniiyak-iyak mo diyan?" sambit ng isang lalaki na animo'y kagigising lang dahil sa pagkalamig at tamlay ng boses niya. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko, shit naman oh! Nakakahiya pero wala akong paki.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at kaliwa't kanan kong tiningnan ang kwarto at nang makarating ang mga mata ko sa pinakadulo ng classroom ay doon ko nakita ang isang bagong gising na lalaki. Tsk, may nakakarinig pala ng kadramahan ko, oh well tulog naman yata to eh.
"Eh ano naman sayo kung umiiyak ako? At hindi nga pala ako umiiyak, just to inform you." pagmamaang-maangan ko at umaktong ayos lang ako.. haha pero hindi naman talaga.
"Tss, kunyari pa eh. I heard you crying, so why deny it?" sagot naman niya pabalik sa akin habang kinukusot-kusot pa ang mga mata niyang kagagaling lang sa tulog so I just rolled my eyes in return.
"Miss, you can roll your eyes all you want but it's pretty obvious na kaiiyak mo lang, halata rin actually sa boses mo. Ano bang trip mo at dito ko sa classroom namin pumunta? Hindi ka naman taga-rito ah." nagtataka niyang pagpapatuloy at tiningnan pa ko mula ulo hanggang paa. Aba't-
"Instead of comforting me eh parang ginagago mo pa ako eh no? Akala ko kasi walang tao dito so I went here, got a problem with that? You should be thankful dahil nakita mo akong umiiyak kasi bihira lang mangyari yun." napahalukipkip ako at akmang aalis na sana nang bigla muli siyang magsalita. Ano bang problema nito?
"Wait! From the looks of it mukhang parte ka ng badminton team ng university ah? Natalo ka siguro sa game niyo ngayon no? Sige lang iiyak mo lang yan may next time pa hahaha!" pag-usisa niya sabay tawa ng malakas. Kung makatawa tong ugok na to akala mo naman close kami? What the fuck sarap hampasin.
BINABASA MO ANG
Affliction Of Ignorance
Mystery / ThrillerFor each of the horrible murders and deaths surrounding her, Jade finds all the twisted clues and evidences leading to the campus infamous rebel Kyle Fajardo. What happens if Jade decided to team up with the killer himself? Will she ever regret her...