#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 1 - Episode 1: Condolence (April 21, 2021)
Warning: This chapter contains minor nudity. Read at your own risk.
"Bakla talaga 'ko, noon pa. Nang nakita ko nga ang mga litrato ko dati simula noong baby belle pa 'ko, naka-dress lahat kasi 'yon ang sinusuot sa 'kin ng mamsh slash aunty ko."
2000
"H'wag kang mas'yadong OA, Rudolph, manganganak lang ako, hindi 'to nakamamat... aray!" biglang sumigaw ang isang babae.
"Pakibilisan naman ang pagtulak, oh. Nasasaktan na ang girlfriend ko." binilisan naman ng mga nars ang pagtulak sa stretcher ng nobya hanggang makarating ng delivery room.
"Paos po ako ngayon, paano po ako iiri?" huling narinig ni Rudolph bago isara ng mga nars ang delivery room.
"Ate Roselyn, baka may mangyari sa asawa ko. Pa'no kung 'di n'ya kayanin?" kinakabahang tanong nito sa kapatid niya.
"H'wag ka ngang gan'yan. Nakatatlong anak na 'ko sa manlolokong 'yon pero 'di naman ako namatay. Pati sina kuya Ramil, kuya Rene at kuya Ricky na ang sisipag mag-anak, 'yong mga asawa nila, buhay na buhay pa kaysa sa relas'yon namin ni Ronel." pagkalma ni Roselyn sa kapatid.
"Sige, ate, kakalma na 'ko, alam ko, kapanganganak mo pa lang pero pakisamahan na 'ko sa asawa ko kasi tayo lang naman ang close." umupo na muna ang magkapatid hanggang sa may biglang tumakbo sa harapan nila.
"Ate! H'wag kang mamamatay!" dinig nilang dalawa na sinigaw ng babae na tumakbo papunta sa tapat ng delivery room.
"Tingan mo 'yang babae. Gan'yang-ganyan ka kaya kanina. Ako nga, hindi guman'yan nang nalaman kong nambabae ang asawa ko." ani Roselyn sabay turo sa babaeng mukhang naghihingalo. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa kanila.
"Ikaw po si kuya Rudolph, 'di ba? 'Yong asawa ni ate Nica? Kumusta na po s'ya?" sunod-sunod na tanong ng babaeng tumakbo kanina.
"Sige, Rudolph, kausapin mo muna ang hipag mo. Baka narinig n'ya 'ko. Nahiya tuloy ako." agad namang tumayo si Roselyn at iniwan si Rudolph kasama ng kapatid ni Nica.
"Manganganak na si Nica. Ikaw si Nico, 'di ba?" tanong din niya sa babae.
"Opo, kuya. Si ate na lang po kasi ang nag-aalaga sa 'kin. Kaya ayaw ko po s'yang mawala." tugon pa ni Nico na patuloy pa ring umiiyak sa tabi ni Rudolph. Ilang minuto pa ang nagdaan at lumabas na rin ang doktor mula sa delivery room.
"We are very sorry, Mr. Row, we can't save your wife. She died after giving birth to a healthy baby boy." nilabas ng nars ang sanggol nila ni Nica at inabot kina Rudolph at Nica.
"Ate! Papasukin n'yo 'ko!" binangga ni Nico ang doktor at nars para makapasok sa loob ng delivery room. Nakita niya ang kapatid na inilalagay na sa isang stretcher.
"Ate, gumising ka!" sigaw niya pa rito.
"Ma'am, dadalhin na po namin s'ya sa morgue. P'wede po ba kayong tumabi?" tumabi si Nico at sinundan ang mga nars hanggang sa makarating silang lahat sa morgue.
"Anong nangyari? Bakit 'di n'yo nailigtas ang asawa ko?" tanong ni Rudolph sa doktor habang nasa pintuan ng morgue.
"Ate, h'wag mo 'kong iiwan!" malakas na sigaw ni Nico habang yakap ang bangkay ni Nica.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romantik[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...