#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 7 - Episode 28: Cell of Despair (May 30, 2021)
Warning: This chapter has scenes of interpersonal violence. Read at your own risk.
"Nagkakagulo lang kami, kasama 'ko 'yong tatlong magkakapatid hanggang sa pinalibutan kami ng mga nakaitim galing do'n sa van tapos nasa bahay na lang ako nila tita."
2018
"Takbo!" sigaw ni Terrence na tatakbo sana papasok ng bahay ngunit naharangan siya ng isang lalaking nakasuot ng maskara.
"Bitawan n'yo 'ko. Pakawa..." huling mga salita ni Terrence bago siya turukan ng pampatulog. Lalayo na rin sana si Death nang bigla naman siyang binuhat ng isang lalaki na tinurukan din siya.
"Sino kayo? Anong ginagawa n'yo sa dalawang 'yan? Tatawag ako ng pulis." kukunin sana niya ang cell phone sa bulsa niya nang matantong nilapag niya pala ito sa kuwarto. Nakawala na rin si Law ngunit nahabol din siya ng isa sa mga lalaki at tinurukan siya.
"Lubayan n'yo 'ko, mga nakaitim kayo!" sinigaw na lang ni Clarence habang ang ilan sa mga lalaki at binubuhat ang katawan nina Terrence, Law at Death. Lumapit na lamang ang isang lalaki sa kaniya at tinurukan na rin siya. Makalipas ang ilang oras ay naitali na ang apat.
"Bakit apat ang kinuha n'yo? Sinabi namin na 'yong Clarence lang, bakit may nadagdag na tatlo?" tanong ng pinuno nila.
"Ilan pa ang pampatulog n'yo?" tanong pa nito.
"Tatlo na lang po." sagot ng isa sa mga tauhan nila.
"Pakiturukan 'tong tatlo tapos itong isa, dalhin n'yo sa kabila." utos ng pinuno nila na agad namang tinurukang muli ang tatlo bago pa ito magising at nilabas ang isa.
"Bakit nadamay 'to eh pamangkin 'to ng asawa ko?" tanong niya sa isang tauhan pagkalabas nila kasama ng isang hinuli.
"Sorry, boss. Nadamay lang 'yong tatlo dahil kasama sila ng Clarence. Para walang makapagsumbong." paghingi ng paumanhin nito.
"Sige, ako na ang bahala sa pamangkin ko. Simulan n'yo na." utos ng ama ni Air sa isa sa mga tauhan.
"Sige po, boss." pumasok na ang tauhan sa loob samantalang dinala naman ng ama ni Air si Death sa kanila.
"Dad, anong ginawa mo kay Death?" sigaw ni Ara nang makita si Death na buhat ng ama.
"Niligtas ko s'ya ro'n sa mga kidnapper, kaya lang, nakatakas sila kasama ng mga kasama ni Death." paliwanag niya kay Ara.
"Pakialagaan muna s'ya tapos tawagan n'ya si Air kapag nagising na s'ya." bilin niya pa kay Ara.
"Sige po, dad. Please, pakihanap 'yong mga gustong manakit kay Death. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sa kan'ya." pakiusap pa ni Ara bago umalis ang kaniyang ama na bumalik sa bahay ng kapatid nito.
"Boss, hindi pa sila nagigising kaya nilagyan na muna namin sila ng dil..." bungad sa kaniya ng isa pang tauhan.
"Mga tanga! Dapat, pinukpok n'yo muna 'yon para magising tapos do'n n'yo ipasok sa kanila. Ilabas n'yo ulit tapos gawin n'yo 'yong pinasasabi ko." pagtatama niya sa tauhan na pumasok ulit kasama niya. Pagpasok nila ay nakita nilang paikot na nakaupo ang tatlo habang ang bawat mga braso at kamay nila ay nakatali sa katabi nila.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Storie d'amore[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...