Episode 31: Clarence's Obsession (June 2, 2021)

5 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 7 - Episode 31: Clarence's Obsession (June 2, 2021)

"No, hindi p'wedeng mamatay s'ya! sandali pa lang kami. 'Di pa nga n'ya kami nakikita ni paru tapos mawawala na lang s'ya nang gano'n?"

2018

"Death, 'di ka pa eighteen, papasukin ka kaya nila?" tanong ni Den nang makarating na sila ng ospital.

"Kuya, h'wag kang nagbibiro nang gan'yan. Malapit na 'ko." bumaba na silang dalawa mula sa sasakyan at naglakad patungo sa loob ng ospital.

"Kuya, bawal ang menor de edad rito." narinig na lamang nila sa guard nang maglakad sila nang mabilis paloob. Lumingon lamang si Death at nakita ang isang lalaki na dala ang isang bata.

"Sabi sa 'yo, kuya eh." bulong na lamang ni Death bago sila pumunta sa reception.

"Nasaan po si Lawrence Row?" tanong ni Den sa receptionist.

"Lawrence Row? Wala pong patient dito na gano'n po ang pangalan." sagot lamang nito pagtapos tingnan ang kaniyang monitor.

"Hindi ba napalitan ang surname n'ya? Ano bang surname n'ya dati?" naisip na lamang ni Death.

"Ate, 'yong tatlong lalaki na binalita kanina, kapatid ko kasi sila. Napangalanan na po ba sila? Hinahanap na po kasi namin sila." pakiusap ni Death sa receptionist na may tinawagan.

"Kuya, pakitawagan si paru." bulong ni Death kay Den na agad namang umalis.

"Sir, dito po kayo." sumunod si Death sa pupuntahan ng receptionist. Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang morgue.

"Tingin ko po, alam n'yo na kung bakit tayo narito." binuksan na niya ang kuwarto at lumapit sa isang katawan.

"P'wede pong pakibigay na lang ang pangalan n'ya kapag naging mas maayos na po kayo." mensahe pa nito bago itaas ang puting tela.

"Ate, hindi 'to p'wede! Bakit s'ya 'yong namatay? Bakit may namatay pa at all? Pinatay n'yo ang..." bago pa niya matuloy ang sasabihin ay may bilang tumakbo palapit sa kanila.

"Cassy, anak. Hindi p'wede!" tumakbo ang isang pulis na lalaki sa kanila at tumambad sa kanila ang katawan ng babae na may mga bakas ng lupa.

"Sorry, sir. Kay SPO4 pala 'yan. 'Di pa kasi napangalanan 'yong iba saka 'di rin namin in-expect na dalawang krimen ang mangyayari." lumipat silang dalawa sa isa pa at iaangat na sana ang tela.

"Law 'ko!" narinig na lamang ni Death mula sa pumasok na si Rudolph pala.

"Paru, 'di pa po tayo sure kung s'ya nga 'to. Ikaw naman kasi, ate, sa maling labi mo 'ko dinala." nasabi na lang ni Death habang si Rudolph naman ay tiningnan na kung sino ang bangkay.

"Anak!" narinig na lang ni Death mula kay Rudolph na kasalukuyang niyayakap ngayon si Law.

"Pinatay nila si Law? Mga walang hiya sila!" nasabi na lang ni Death sa isip habang tinitingnan ang pagtangis ng kaniyang ama sa kapatid.

"Sinong gumawa nito sa 'yo?" huling narinig niya mula kay Rudolph bago siya hilahin ni Den palabas.

"Kuya, wala na si Law." niyakap siya nang mahigpit ni Den.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon