#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 4 - Episode 13: Crushed By Some Scandalous Lies (May 9, 2021)
Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minor violence, and mature language. Read at your own risk.
"Salamat sa pinsan ko na tumulong sa 'kin na ipakalat 'yong fake scandal ng kuya ng Law na 'yon pero hindi 'yon madali kasi kinapitan na naman ako ng malas and I'm very sure that it's all Law's fault!"
2018
"Dito kayo nakatira? Sa paikot na 'to?" tanong ni Death sa babaeng katabi.
"Sa family ng tatay namin 'to. Do'n lang kami nakatira sa isang quarter nito. Kasi 'yong isa ay 'yong mismong bahay nila plus 'yong parang horror house tapos itong park." pagkukuwento ng anak ni Roselyn habang tanaw ang liwasan na bahagi ng tirahan nila. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang bahay.
"Sige, iiwan ko na kayo rito. Babalik na lang ako mamaya para ihatid ka Death." paalam ni Roselyn na agad nang umalis.
"Ako lang ang tao rito ngayon so ikaw lang ang masasandalan ko ngayon. Buti na lang talaga at alam ni mom kung nasa'n ka kasi ayaw ko talagang kasama ang Law na 'yon kasi nang pumunta ako sa bahay ni tito Rudolph, ginulo n'ya ang artwork ko." naikuwento na lang ni Ara kay Death pagkalayo ni Roselyn.
"Sis, same tayo. B'wisit din 'yang Law na 'yan. Sipsip s'ya mas'yado kay paru tapos nilalandi n'ya pa ang tito ko. Isama mo pa 'yong kuya n'ya na bulag ang paniniwala sa kan'ya." pagsang-ayon niya sa hinaing ni Ara.
"Ay, sis, magkakasundo tayo. Marami kasi talagang papansin sa mundo. Dapat sa kanila, tusukin!" sigaw pa ni Ara.
"Sa p'wet?" dugtong ni Death na tinawanan lamang ni Ara.
"Oo nga pala, Ara. Pa-connect ako sa internet n'yo kasi may ipo-post dapat akong scandal." ani Death.
"Hoy! Bakit ka may gan'yan, sis?" tanong ni Ara nang sinimulan niyang panoorin ang video.
"May buhay na gusto kong maging miserable, sis, ano pa ba?" sagot lamang niya habang patuloy na nanonood si Ara.
"Same thing. Lalo na 'yong Faith na 'yon, kinuha n'ya si Heaven ko. Ang sarap n'ya talagang i-Faith-in (ipitin) para ma-Fai(th)-sa (mapisa) na s'ya." natapos na rin si Ara sa panonood.
"Ano pang hinihintay mo, sis? Baka naman, pa-connect na ako." dinala ni Death sa settings ang cell phone nito.
"Gusto ko sanang i-connect ka kaya lang, papunta pa lang kasi si mom sa internet company to report a complain para umayos ang server namin dito. Sana nga eh mapaayos na n'ya kasi marami rin akong gagawin that requires an internet connection. Siguro, mamayang kaunti, babalik na rin 'yon kasi siguradong-sigurado ako na hindi nila kakayanin na mawala ang mga Tan bilang investor." tugon ni Ara sabay type ng password sa cell phone ni Death.
"Labas muna tayo, Ara. Kahit doon na lang sa park n'yo." yaya ni Death na tinanguan lamang ni Ara.
"Ah, sa Tan-k (tank) Park? Sige, mauna ka na. Susunod na lang ako. Kailangan ko pa kasing isara lahat ng 'to." lumabas na si Death ng gate at naglakad sa gilid ng rotunda.
"Lahat na lang talaga ng malas eh nasa 'kin na! At nagsimula lang 'yon lahat nang dahil lang sa Law na 'yon!" sabi niya pa sa sarili habang patuloy na naglalakad. Ilang sandali pa ay may bigla siyang natanaw.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...