Episode 34: Calm Down (June 7, 2021)

4 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 8 - Episode 34: Calm Down (June 7, 2021)

Warning: This chapter contains some harsh dialogue pertaining to someone's sexuality and includes different forms of bullying, violence and discrimination that we will never promote and are just used for storytelling. Read at your own risk.

"Nakabili ka na ng hotdog para sa barbecue natin?" tanong ng isang babae nang makalapit sila sa isang kaibigan na nakatingin sa cell phone.

"Tingnan mo 'tong trending ngayon, sis. Bading na pinakikiusapan 'yong isa pang lalaki na mag-stay kasama n'ya." ani ng isang babae sabay pakita ng video sa dalawang kasama nito.

"H'wag ka nang makulit please, Terrence. Kasi wala ka nang magagawa para balikan kita. Saka bibigyan naman kita ng twenty thousang na pinangako ko sa 'yo kaya mapalalago mo pa 'yon." pagpanood nila sa trending video.

"Bitawan mo 'ko, bakla." dagdag pa ng lalaki nang pigilan pa siya ng pas'yente.

"Grabe s'ya, sis. Ni hindi ko 'yan magagawa sa lalaki kahit pa mahal na mahal ko 'yan." nasabi na lang ng isang nakinood.

"Tama, saka alam ko na rito 'yong ospital na 'yon. Makita kaya natin 'yong lalaking nang-iwan?" naglakad ang tatlo patungo sa tapat ng ospital nang may nakitang isang lalaki.

"S'ya 'yon, 'di ba? Ang pathetic, 'di ba? Mukha na nga s'yang nakatikim do'n sa guy pero gusto pa rin n'yang mamihasa." nasabi ng isa nang makalabas ang isang lalaki sa ospital na pinagtinginan nila.

"Oo nga, saka tingin ko, STD ang nakuha n'yan kaya iniwan ng boyfriend, kako-comment lang kasi ng lalaking nang-iwan kuno." dagdag pa ng katabi nito.

"Patingin nga, sis. Sure ba talaga na 'yan 'yon? Mukha nga lang dummy account 'yan. I'm sure na s'ya lang din ang nag-comment n'yan para lang maligtas ang sarili n'ya sa kahihiyan." nasabi pa ng isa sa kanila nang makita ang kumento ni Death.

"Hoy, bakla! 'Di s'ya worth it, 'no? Buti nga kasi ang mga bakla, hindi talaga sumasaya kasi 'di sila nagpapakatotoo tapos automatic eviction pa mula sa langit kaya babae ang hanapin mo, tulad namin." pagkausap na ng isang babae kay Terrence na nalapitan na nila.

"Naniniwala ka pa sa gano'n, sis, kahit pa nagpaparamdam na sa 'yo na sa ilalim ka mapupunta? Pero tama nga, p'wede naman tayong maging besties in hell pero ikaw dapat ang sumalo ng mga t*ti kasi roon ka naman mahilig, 'di ba?" ani pa ng isang babae na inabutan ng mga hotdog ng isa pa.

"Maawa ka naman, sis. Mukhang wala pa nga s'yang kain. Los'yang, gano'n. Kaya akin na nga 'yan..." kinuha ng naunang babae ang mga hilaw na hotdog mula sa pangalawa at pinasok sa bibig ni Terrence.

"Kumain ka ng hotdog, sorry ah kung 'di 'yang kasingkayumanggi o kasing-itim ng mga normally na kinakain mo. At least, hilaw rin 'yan tulad ng mga kinakain mo." dahil dito ay sinubukan nang sumigaw ni Terrence na 'di naman niya magawa dahil sa dami ng hotdog na nasa bibig niya.

"Hahahaha." tawa lamang ng tatlong babae hanggang sa biglang dumating ang guard at napatakbo na lamang ang mga babae.

"Dapat lumaban ka sa mga gano'n, boy. Sige, iiwan na kita." pagkausap ng guard kay Terrence matapos hugutin ang mga hotdog sa bibig niya. Nakita na lamang niya ang hotdog na halos madurog na habang tinatapon ito ng guard. Ilang sandali pa ay naisipan na niyang umalis doon.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon