#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 5 - Episode 18: Covetous Nephew (May 16, 2021)
Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minimal violence, and mature language. Read at your own risk.
"Oo, masarap makita na ang mga kaaway mo eh nahihirapan pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag nalasap mo 'yong karma na naghihintay sa 'yo. Alam ko, na may maling nangyari pero ang sakit pala 'pag ayaw ka nang pagtiwalaan dahil lang do'n."
2018
"Kila Law n'yo na lang ako dalhin. H'wag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo kayang isumbong dahil nga ro'n sa kontrata na pinirmahan ko." salaysay ni Terrence.
"Sige, kuya. Sa ospital tayo." ilang sandali pa ay nakarating na sila sa ospital.
"Tito Ramil!" bati ni Death nang makita ang kapatid ng kaniyang ama at agad itong niyakap.
"Death. Bakit kasama mo ang nobyo ng ampon mong kapatid? Tanggap mo sila?" agad na tanong ni Ramil sa kaniya.
"Tito, sinong boyfriend, 'yang si Terrence? Kapatid n'ya po 'yan, 'yong nanakit daw kay Law noon kaya po inampon s'ya ni paru." pagtatama ni Death sa tiyuhin.
"Gano'n ba? Sige, Death, pumunta na tatlo kay Rudolph. Denmark, pakisamahan na lang ang lalaking 'yan sa kapatid n'ya." naghiwalay na ng landas sina Death at Terrence.
"Mali ba kami ng mga tito mo na hindi bakla si Law?" tanong ni Ramil habang naglalakad sila patungo sa kuwarto ni Rudolph.
"Mali ka lang po na magnobyo sila pero bakla po talaga s'ya. Inamin n'ya nga po 'yon sa plaza pati na rin po ang pagiging kabit ni kuya Den." ani Death. Nakapasok na rin sila sa kuwarto ni Rudolph.
"Anak, buti naman at nakabisita ka na rin sa 'kin." bungad ni Rudolph sa kaniya.
"S'yempre, wala naman kasi akong choice. 'Yong isang anak mo kasi, malala rin pero sigurado ako na mas gugustuhin mong s'ya ang makita mo." pabalang na sagot ni Death.
"Death, ang pananalita mo, ayusin mo. Maging magalang ka naman sana kay Rudolph. Tatay mo pa rin s'ya." pagsaway ni Ramil.
"Okay po, tito. S'yempre po, paru, kasi wala naman po kasi akong choice. 'Yong isang anak mo po kasi, malala rin pero sigurado po ako na mas gugustuhin mo pong s'ya ang makita mo." paglagay ni Death ng "po" sa mga sinambit kanina lang.
"Sige, iiwanan ko na muna kayong dalawa para makapag-usap kayo nang masinsinan." umalis saglit si Ramil at iniwan ang dalawa.
"Aalis na rin po ako, 'no? Alam ko naman na po na ayaw n'yo po talaga sa 'kin, kaya nga po pinalayas n'yo 'ko, 'di po ba?" panunumbat ni Death.
"Pasens'ya ka na, anak. Alam ko na may pagkukulang din ako kaya lumaki ka nang gan'yan. Hayaan mo naman sana na makabawi ako sa 'yo." may mga pinulot si Rudolph pagkaupo nito sa higaan at inabot kay Death.
"Beer? Bakit ka po may ganito? Kagagaling mo lang sa aksidente tapos umiinom ka? Hindi ka po ba binabantayan ng paborito mong ampon? Akala ko po ba na close kayo?" agad na tanong ni Death pagkahawak niya ng isang bote ng beer.
"Iinom na lang natin ang lahat ng hinanakit mo sa 'kin, anak. Para naman kahit paano eh mabawasan ang galit mo sa 'kin." kinuha ni Rudolph ang mga bote at binuksan ang mga ito. Inabot niya ang isa kay Death.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...