Episode 12: Copulate to Save a Dying Relationship (May 8, 2021)

53 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 4 - Episode 12: Copulate to Save a Dying Relationship (May 8, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minor violence, and mature language. Read at your own risk.

"Buti na lang talaga at pumayag sina ate Nico at kuya Den na video-han ko sila habang ginagawa nila ang halos anim na taon na nilang nalimutan. Para na rin 'to bigyan ng problema ang pabidang kuya ng Law na 'yon. You know, seeing them both, so fishy, mukhang may tinatago sila and I'm assuming na since nasa plaza rin s'ya no'ng time na inaway namin si Law, nakabili rin s'ya ng kahit isa man lang do'n sa binebenta ni ate."

2018

"Ate, may viral. Guess who?" bungad ni Death kay Nico na kasalukuyang nagluluto.

"Ako rin, may good news din ako pero since mas interesado ako sa viral, sino ba 'yan at anong nangyari?" lumapit si Death kay Nico at pinakita ang viral video mula sa phone nito.

"Hoy, sis. Ang laki nito ah. Talaga bang ni-reveal mo sa plaza ang kasarian ng Law na 'yan? Grabe ka, talo mo na talaga ako sa 'yo. Pero ano 'to? Bakit nakahubad si Den at sumakay pa 'yang ma-Law-ndi (malandi) na 'yan sa asawa ko?" nagtatakang tanong ni Nico habang pinanonood ang kabuuan ng viral video.

"Sorry, ate ah. Napag-alaman ko kasi na kahinaan n'ya ang mga topless na lalaki kaya kinailangang gawin 'yon ni kuya Den, at least, effective s'ya at napahiya ko s'ya sa lahat ng mga tao sa plaza and now sa buong social media." paliwanag ni Death.

"Sasapakin ko talaga 'yan 'pag nakita ko 'yan si Law. Makalandi s'ya sa asawa ko. Maghanap na lang s'ya ng macho dancer tutal 'yon lang naman ang bagay sa level n'ya. Pan-Law-pa (panlupa)!" natatawang tugon ni Nico.

"Sige, ate, ikaw naman. Sabi mo kanina na may good news kang sasabihin sa 'kin. Tungkol saan ba 'yon? Love life, business?" tanong pa ni Death.

"Love life talaga, Death? Alam mo naman na anim na taon na kaming happily married ng kuya mo so araw-araw 'yang good news sa 'kin. Pero iba talaga 'to." biro pa ni Nico.

"Ano na nga 'yon, ate? Namumuti na ang mata ko rito oh." reklamo na ni Death.

"H'wag ka ngang atat, Death, dahil sigurado akong worth it ang good news ko sa 'yo. Alam mo ba 'yong mga brief na nagawa ko this past month?" tanong ni Nico sa pamangkin na may biglang naalala.

"Ate, pa'no kung medyo maliit 'yong magawa mo sa gitna kasi alam mo naman na tumitigas minsan 'yon tapos biglang masira 'yong tela. Siguro, gawin mo s'yang mas stretchable para kahit may erection ang susuot eh hindi masisira." suhestiyon noon ni Death kay Nico habang ginagawa nito ang tela para sa gagawing underwear.

"Ah, 'yong pinagpuyatan mo nang ilang araw, ate?" tanong ni Death.

"Iyon nga. Nilabas ko na kasi s'ya sa plaza and guess what, ang daming bumili!" nagtatatalon sa tuwa si Nico at niyakap si Death.

"Congratulations, ate, pero baka masunog na 'yang ni-Law-Law-to (niluluto) mo. Kung si Law 'yan eh mas maganda ngang masunog na lang." tiningnan agad ni Nico ang niluluto.

"Death, minsan nga magpakabait ka, and do us all a favor, saka h'wag mong hilinging ma-Law-to (maluto) si Law sa kawali ko kasi mas deserve n'ya ang init ng imp'yerno." pagtatama ni Nico.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon