Episode 9: Confession of the Bisexual Two-Timer (May 3, 2021)

55 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 3 - Episode 9: Confession of the Bisexual Two-Timer (May 3, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of explicit content and mature language. Read at your own risk.

2018

"Walang hiya ka! Sabi ko na nga ba, home wrecker ka talaga eh. Hindi ka lang mang-aagaw ng ama, mang-aagaw ka rin ng asawa. Talaga bang trip mong guluhin ang pamilya namin?" pinulot ni Death ang magazine at binato kay Law.

"Ito, pati 'tong magazine na 'to. Talagang nagtagal na ang amoy ng mabaho mong laway rito dahil sa ka-Law-Law-Law-n (kalululon) mo sa dinirilig na tamod ni kuya Den sa 'yo. Saka tama ka, hindi nga tayo magkatulad kasi ako, hindi ako pumapatol sa bawal at hindi ako nanunulot gaya mo." dagdag pa ni Death ngunit hindi nakikinig sa kaniya si Law.

"Tumahimik ka na lang d'yan, bumabaho na 'tong kuwarto na 'to dahil sa ingay mo eh." hirit pa ni Law sa kaniya.

"Ikaw ang tumahimik d'yan kasi kanina ko pa naaamoy 'yang nabubu-Law-k (nabubulok) mong hininga." pagbalik ni Death ng lait kay Law.

"Hindi ka talaga titigil ah..." lumapit si Law kay Death at binigyan siya ng isang suntok.

"Aray, Law. Itigil mo na nga 'yan!" pagpigil ni Death kay Law ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pagsuntok ni Law sa kaniya.

"Titigil lang ako kapag bugbog sarado ka na. Sayang naman ang ginastos ni paru para sa boxing lessons, wrestling lessons at taekwondo lessons na pinilit n'yang ipagawa sa 'kin for the past six years." tugon pa ni Law na pinagsisipa pa si Death.

"Kuya Den!" paos na sigaw pa ni Death habang patuloy pa rin s'yang sinasaktan ni Law.

"Ang hina mo naman, Narh. Sige nga, kung ikaw talaga si Death, patayin mo nga ako." pagkausap ni Law sa hindi na makapagsalitang si Death.

"Sige na nga, titigil na nga ako pero hindi ka nila makikita rito kasi may susi ako ng nilagay nilang kandado." kinuha ni Law ang susi mula sa bulsa niya at iwinagayway kay Death.

"See you na lang, Narh. Sana pa ay makahanap ka pa ng Narh-s (nars) na makapagpapagamot pa sa mga bugbog mo." kumaway pa si Law bago lumabas ng kuwarto at kinandadong muli ito. Ilang sandali pa ay may tumatapik na kay Death.

"Death, gumising ka." pagtapik ni Den kay Death. Dahil hindi magising si Death ay agad nilabas nito ang cell phone niya at tinawagan si Nico...

"Ku..." narinig lamang niyang tugon ni Death.

"Sandali lang, Death ah? Nico, bad idea 'tong pinlano n'yo ni kuya Rudolph." pagkausap niya kay Nico nang sumagot ito.

"Bakit? Ano bang nangyari sa kanila? Iniwan ko namang bukas ang airway papunta sa k'warto nila so makahihinga naman sila ro'n." tugon lamang ni Nico sa kaniya.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Ni. Binugbog nang todo ni Law si Death. Sige, ako na ang tatawag ng ambulans'ya." agad nang pinatay ni Den ang tawag at agad na binuhat si Death.

Makalipas ang ilang oras...

"Kumusta ang pamangkin ko, Den?" takbo agad ni Nico nang makarating ito sa ospital.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon