Episode 39: Caress and Whisper (June 14, 2021)

5 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 9 - Episode 38: Caress and Whisper (June 14, 2021)

"Death, tawag tayong lahat ni tito Ru. May kausap ka ba? Sorry." bungad ni Air na ikinagulat nito. Umiling lamang siya.

"May sunog!" biglang sigaw ni Ara.

"Saan? Bakit narito pa kayo?!" biglang pagbangon naman ni Ark mula sa higaan ni Death.

"Wala, ginising ka lang namin. Tawag tayo ni tito Rudolph." hinawakan ni Ara ang kamay ni Ark at hinila palabas samantalang si Air naman ay hinawakan ang kamay ni Death.

"H'wag kang kiligin, magpinsan tayo." pagpapaalaala ni Air nang marinig ang mahinang hagikgik ni Death.

"Wala. Ang lagkit kasi ng kamay mo. Kadiri ka! Kagagaling mo lang sa pagsalsal mo r'yan sa t*ti mo tapos ihahawak mo sa 'kin 'tong kamay mo na may tamod?" nadidiring tugon niya sa pinsan.

"Sorry na. Ang pogi kasi talaga ng lalaki ro'n kanina. Kaklase mo raw 'yon eh. Matipuno tapos ang ganda ng hubog n'ya. 'Yon kasi ang mga tipo ko sa lalaki kaya 'di ko talaga napigilan..." pinatong ni Death ang isa pa niyang kamay sa bibig ni Air.

"Kadiri ka. Umayos ka nga, baka mahuli ka ni tita Rose o ng mga tito natin. Saka, bakit mamasa-masa rin 'yang..." tiningnan ni Death ang mga kamay niya na may mga bakas ng...

"Sorry, 'di ko pala nasabi na b-in-low job ko rin s'ya kanina. Game na game s'ya. Sabi n'ya nga na ikaw raw ang nagbigay sa kan'ya ng confidence sa gano'ng mga bagay. Ginagawa n'yo rin ba 'yon?" masiglang turan ni Air.

"No, never akong makikipag-sex sa kaklase ko. Si Terrence ang first n'ya at s'ya ang top." sagot ni Death bago iwan si Air upang maghugas ng kamay.

"Sige, Death. Mauuna na 'ko, sumunod ka na lang at h'wag mo 'kong subukang isumbong sa kahit kanino." bilin pa ni Air pagpasok ni Death sa banyo.

"Oo na, kuya. Stay strong na lang sa inyong dalawa. At maghugas ka naman ng kamay mo." tugon ni Death na nagsimula nang maghugas ng kamay. Paglabas niya ay may lalaking bumungad sa kan'ya.

"Can we talk?" panimula nito pagpabas niya ng banyo.

"Anong usap ang sinasabi mo r'yan, Terrence? Wala na tayong dapat pag-usapan. Break na tayo at wala na si Law na mag-uugnay sa 'tin kaya in short, wala na tayong kahit ano pang relas'yon." sagot lamang ni Death na nagsimula nang bumaba.

"Death, ano bang nangyayari sa 'yo? Gusto ko lang naman na magkaliwanagan tayo. Ayaw ko nang ganito ang tinatrato mo sa 'kin lalo pa't lamay ng kapatid natin." pagsunod naman ni Terrence sa kaniya.

"Gan'yan ka ba kalandi at kakati kaya naisipan mong manlandi ng taong may asawa na?" sigaw ni Death nang makarating sila sa mga nakikiramay.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, Death? Ikaw lang ang mahal ko at 'di ako papayag na maging kabit lang ng kahit sino pa 'yan." pagtanggi naman niya.

"Tapos nagmamaang-maangan ka pa ngayon? Nakita kita, Terrence. Nilalandi mo ang tito ko. Nakita ko kayo nang nasa terrace ako kanina. Kitang-kita ko kung pa'no ka lumingkis sa mga braso ni kuya Den." pagkasabi nito ni Death ay tumabi sa kaniya sa Air.

"Homewrecker ka pala? Buti na lang talaga at hiniwalayan ka na ni Death kasi 'di deserve ng mga katulad mong maninira ng pamilya ang isang tulad ni Death." dagdag pa ni Air hanggang sa nilapitan na sila ni Rudolph.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon