Episode 15: Chill Death (May 11, 2021)

49 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 4 - Episode 15: Chill Death (May 11, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minimal violence, and mature language. Read at your own risk.

"Dahil nga sa success ni ate sa mga ni-release n'yang mga brief tapos idagdag pa natin ang pagiging gamahan n'ya, naisipan nilang kumuha ng mga magiging models namin at dahil mapang-asar ako, s'yempre gagamitin ko na ang opportunity na 'yon para guluhin pa sila lalo lalo na 'yong masarap itulak sa Terre(n)ce (terrace) na si Terrence."

2018

"Nabasa ko sa ibang mga comments na starlet pala ang loko. Paniguradong sira agad ang career n'ya sa bad publicity." natutuwag sabi ni Death.

"Ay, Ara, nasaan ka?" lumabas si Death upang hanapin si Ara at nagulat na lamang sa nakita.

"Death, pinag-alala mo kami. Narito ka lang pala kila ate Roselyn? Bakit 'di ka nag-text?" bati sa kaniya ni Nico na kasama si Den. Lumapit silang dalawa sa kaniya.

"Sorry talaga, ate. Akala ko kasi magsasaya na muna kayo kaya binigyan ko kayo ng privacy saka sasabihin ko naman sana kaya lang sira internet nila kanina." paliwanag ni Death pagkabitaw niya mula sa pagkakayakap ni Nico.

"Naging masaya kami ro'n, h'wag kang mag-alala pero baby ka pa rin namin kaya ikaw ang priority namin ni kuya Den mo." kinurot pa ni Nico ang mukha niya.

"Ate naman, nangurot ka pa talaga eh!" halos tili na ni Death.

"S'yempre, baby nga, 'di ba?" inulit pa ni Nico ang pagkurot kay Death.

"Sige, tama na 'yan. Kaya ka na rin namin pinuntahan kasi mas kailangan tayong pag-usapan tatlo." pagpigil ni Den sa harutan nilang dalawa.

"Oo nga pala, bago ko pa makalimutan. Tara na at medyo malaki itong pag-uusapan namin." lalabas na sana sina Nico at Den sa bahay nang...

"Magpaalam lang ako saglit kay Ara, ate. Sunod na lang ako sa inyo sa sasakyan." pumasok muli si Death at bumungad sa kaniya si Ara.

"Sinusundo ka na yata, inumin mo na lang 'to bago ka umalis, energy drink 'yan." pagkasabi nito ni Ara ay agad niyang nilagok ang basong hawak nito.

"Thank you, Ara ah? Sa susunod na lang. Importante kasi kasi sila na mismo ang sumundo." ngumiti lang sa kaniya si Ara. Siya naman ay lumabas na at sumakay sa likod. Ilang sandali pa ay nakabalik na sila sa bahay nina Nico at Den.

"Death, urgent na 'to so makinig ka nang mabuti. Part na 'to ng business natin." bilin ni Den sa kaniya.

"Okay, dahil sa success ng ating mga brief ay tumaas din ang demand nito at gusto pa raw nila ng panty so gagawin ko na rin 'yon. And most importantly, binigyan tayo ng sponsorship ng isang VR company!" nagtatalon pa si Nico pagkasabi niya nito.

"Hoy, ate! H'wag kang nagbibiro nang gan'yan, baka kasi masaktan lang tayo kapag hindi talaga nangyari 'yo..." napatahimik na lang si Death nang may ipakita si Nico na papel.

"This is to invite you, Mrs. Faulkner, to be a part of VR Philippines." pagbasa ni Death sa hawak ni Nico.

"Oh my gosh! Yayaman na tayo!" sigaw pa ni Death.

"Don't shout it out, Death. Patago lang 'to kaya talagang sa 'ting tatlo ko lang talaga sasabihin 'to. Umupo kayong dalawa r'yan." pagkaupo nina Den at Death sa sofa ay tumabi siya sa ginta nilang dalawa.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon