#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 6 - Episode 25: Come to Daddy (May 25, 2021)
"Minsan talaga, nagiging kakampi mo ang pagkakataon. Siguro nga, kahibangan talaga na bumalik ako sa pagiging lalaki kasi naniniwala ako na "once a gay will be always gay" pero maganda na rin na samahan ko muna si Terrence dahil sa pinaplano namin saka para na rin masigurado ko na 'di n'ya lalapitan si Law."
2018
"Thank you sa pagtatanggol sa 'kin. Pero turuan mo 'ko ng gano'n kasi gusto ko bilang lalaki, na makayanan kong ipagtanggol ang sarili ko." ani Death na bumitaw rin agad kay Terrence.
"'Di ba, nagagawa mo na rin 'yon nang nag-away kayo ni Law?" tanong niya pa kay Death.
"Iba 'yon, I mean sa pagtatangol sa ibang tao. Ayaw ko kasing sabihan ng tao na pakialamera, lalo pa kung bakla ako kasi alam ko na marami talagang maiiwasan na gulo kapag nananatili kang straight." tugon ni Death sa kaniya.
"Alam mo, Death, may naisip ako na p'wedeng makatulong sa 'yo para maging mas malakas ka. Tara." hinila ni Terrence si Death hanggang sa makalabas sila ng subdivision.
"Ano ba 'yan, Terrence? Pinagod mo naman ako! Gan'yan ka bang boyfriend?" tanong pa ni Death nang makalabas sila ni Terrence.
"Sorry na. Sobrang naging excited lang ako kasi nga dahil do'n sa naisip ko na p'wede mong puntahan para maging mas confident ka." ani Terrence na mukha namang masigla.
"Saan ba kasi tayo pupunta para mapuntahan na natin?" tanong pa ni Death.
"Sa gym." habang sinasabi ni Terrence oto ay may biglang tumunog.
"Sandali lang, sagutin ko lang 'to." lumayo muna si Death at sinagot ang tawag.
"Pumunta ka raw bukas dito sa bahay. Don't be late." pagkausap ng tumawag sa kaniya at agad na binaba ang tawag.
"Ano nga 'yong sinasabi mong lugar ulit?" tanong ni Death habang palapit muli kay Terrence.
"Sa gym. Workout tayo. Tulungan kita para masanay ka. Do you trust me?" nilahad ni Terrence ang kamay niya kay Death ngunit tiningnan niya lamang ito.
"Ayaw mo ba? Mas'yado bang mabigat sa 'yo 'yong gano'ng activity? P'wede naman nating palitan kasi mayro'n pa namang i..." napatigil siya nang biglang hinawakan ni Death ang kamay niya.
"May tiwala ako sa 'yo, boyfriend kita, 'di ba? Saka sumusunod ako sa mga kontrata lalo na kapag ako ang gumawa no'n kaya papayag ako sa lahat ng gusto mong gawin para maging straight ako." paliwanag ni Death sa namumulang si Terrence na 'di na nakatugon.
"Daddy, galaw ka rin oh para iwas stroke." niyugyog nang bahagya ni Death si Terrence. Nang matantong hindi pa rin ito gumagalaw ay hinalikan na lamang niya ito sa labi. Ilang sandali pa ay nakapagsalita na rin si Terrence.
"Ano ngang sabi mo?" inosenteng tanong niya.
"Wala, sabi ko, tara na, Terrence ko. 'Di ba, pupunta tayo ng gym?" hinila na ni Death si Terrence at naglakad patungo sa pinakamalapit na gym.
"Classmate, narito ka rin?" bati ni Death nang makita ang kaklase nito.
"S'yempre, kailangan para do'n sa trabaho, 'di ba? At ikaw ah, may pahawak kamay ka pa kay Terrence. Kayo na?" biro pa ng model sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...