Episode 22: Cousin's Cheater Boyfriend (May 22, 2021)

28 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 6 - Episode 22: Cousin's Cheater Boyfriend (May 22, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minimal violence, and mature language. Read at your own risk.

"Bigla ba kaming nagbati? Actually, naawa lang talaga 'ko sa kan'ya dahil nga ro'n sa r word na naranasan n'ya sa walang h'ya n'yang kapatid. Pero dapat talaga, sa candy shop na lang ako sumugod sa kuya n'ya kasi naragdagan bigla ang aking... responsibilities nang sumugod ako sa bahay nila."

2018

"Dito ka lang. Tatawag lang ako sandali ng taxi." agad na lumabas si Death at ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik na s'ya na may kasamang taxi.

"Law, tara na. Gagawin ko ang dapat ginagawa ng kapatid sa 'yo." pinauna na niya sa loob taxi si Law at sumunod naman s'ya."

"Sige, sabihin mo na kay kuyang driver kung saan nakatira ang kuya mo." utos ni Death sa kapatid.

"Tagaro'n lang po s'ya, doon po sa tabi ng tindahan malapit po sa entrance ng subdivision." pagsabi ni Law ng kinatatagpuan ng tirahan ni Terrence.

"Sige po, kuya driver. Doon po tayo pupunta." nagsimula nang umandar ang taxi.

"Kuya Death, kailangan mo pa bang gawin 'to? Matagal na rin naman na kasi 'yon saka nang huling beses s'yang magtangka sa ospital..." biglang napatigil si Law nang biglang sumigaw si Death.

"Kuya, pakibilisan 'to." utos ni Death sa driver ng taxi.

"Magbabayad sa 'yo 'yang kapatid mo sa lahat ng kababuyan na ginawa n'ya sa 'yo!" sabi niya pa kay Law habang mabilis nang umaandar ang taxi. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay nila Terrence.

"Terrence! Terrence, lumabas ka r'yan!" sigaw ni Death habang kinakatok ang pintuan ng bahay.

"Kuya, hindi pa tayo nakapagbabayad sa driver." pagpapaalala ni Law.

"Ito, ibigay mo sa kan'ya. Hawakan mo na muna ang sukli." inabot ni Death kay Law ang isang asul na papel ng pera.

"Terrence, sinasabi ko sa 'yo, magpakita ka man o hindi sa 'min ngayon, magpapatawag talaga ako ng..." bigla siyang napatigil nang biglang may lalaking bumukas ng pinto.

"P'wede bang mamaya na ang bisita? Natutulog pa 'ko eh saka kagagaling ko lang sa call center." bungad sa kaniya ng lalaki na nagbukas ng pinto.

"Sorry, kuya, pero kailangan naming makausap si Terrence. Nasaan s'ya?" agarang tanong ni Death sa lalaki.

"Hindi nga kita kilala tapos hahanapin mo sa 'kin ang kapatid ko. Kung ako sa 'yo, hanapin mo na lang s'ya kung magpapahanap s'ya sa baklang katulad mo." isasara na sana niya ang pinto nang biglang hinarangan ni Death ng kahoy ang pintuan.

"Kapatid ka pala n'ya. So dapat, alam mo lahat ng ginagawa n'ya sa isa mo pang kapatid, si Lawrence o baka alam mo pero pinagtatakpan mo lang si Terrence?" tanong ni Death nang buksan ulit ng lalaki ang pinto.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, dalawa lang kaming magkapatid simula nang lumayas 'yong bakla na 'yon." pagkasabi nito ng lalaki ay siya namang pagdating ni Law.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon