Episode 32: Casual Treatment (June 5, 2021)

6 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 8 - Episode 32: Casual Treatment (June 5, 2021)

Warning: This chapter contains sensitive content. Read at your own risk.

"Hindi talaga ako makapaniwala na kaya n'yang gawin 'yon sa kahit sino. Oo, alam ko at naiintindihan kong niloko s'ya ng gago na 'yon pero hindi rin ibig sabihin no'n na p'wede na n'yang saktan lalo pa na patayin s'ya."

2018

"Ano 'yong ginagawa mo, Death? Halatang may trauma pa ang tao tapos ginano'n mo?" saway ni Den sa kaniya.

"Sorry na kuya, miss na miss ko lang talaga s'ya." paghingi naman ni Death ng tawad.

"May pupuntahan ka pa ba?" natanong na lang ng tiyuhin niya.

"Punta tayo kila Ara. Gusto kong kausapin ang tatay nila." utos ni Death kay Den. Agad naman silang umalis ng ospital at tumungo sa tirahan nila Ara.

"Kuya, dito ka na lang. Hintayin mo na lang ako rito sa park." bilin pa niya sa tiyuhin bago bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo ng bahay.

"Subukan mo, Ara! Sisiguraduhin ko na lalabas kang kasabwat doon sa nangyari sa tatlo." narinig niyang banta ni Air na  natanaw niya na nasa labas ng bahay.

"Low battery ako, pero ba't n'yo naman dinamay 'yong iba tapos namatay pa 'yong isa?" dinig din niyang tinanong ni Ara.

"Buti naman dahil ayaw kong malaman ni Death na ako ang may pakana sa nangyayari kila Clarence." narinig niya pang sinabi ni Air. Papasok na sana silang tatlo sa loob nang makita siya ni Ark.

"Air, sa likod mo..." nasabi na lang ni Ark kaya napatalikod silang tatlo.

"Anong sinabi mo, kuya Air?" nasabi na lang niya nang tumalikod rin sina Ara at Air.

"Wala akong sinasabi, Death." malamig na tugon nito.

"Hindi, kuya! Narinig kita! Ikaw pala ang gumawa ng masama sa kanilang magkakapatid? Pa'no mo naatim 'yon, ha? Puro babae pa naman ang mga kapatid mo!" sigaw ni Death sa pinsan.

"Sorry kung nadamay 'yong dalawa, 'no? Dapat talaga, si Clarence lang ang paghihigantihan ko kaya lang, biglang apat ang dinala nila sa 'min. Saka deserve 'yon ng tatlo na 'yon na manloloko!" katuwiran pa ni Air.

"Si Clarence, niloko ako. Si Lawrence, pinikot ang tiyuhin mo. Tapos si Terrence naman, ikaw ang isusunod n'ya kasi hindi ka n'ya talaga mahal!" dugtong pa ni Air bago siya masuntok ni Death.

"Air, h'wag kang gaganti sa pinsan natin. Ikaw naman kasi ang may kasalanan nito." pagpigil ni Ark sa kapatid na susuntukin din sana si Death.

"Gusto mo pa ng scoop, naggagahasaan silang tatlo, 'yong hayop kong ex sa nobyo mo, tapos 'yong nobyo mo naman sa kapatid mo. Kadiri, 'di ba? Kaya, kung ako sa 'yo, magkakampihan na lang tayo." pagtsismis pa ni Air sa kaniya.

"Hindi ako maniniwala sa 'yo, kuya Air. Akala ko, kaibigan kita, kakampi kita tapos dinamay mo ang mga taong mahal ko saka 'di na ako maniniwala sa 'yo. Oo, may nangyari kina Law at Terrence pero h'wag mong idamay ang ex mo dahil lang sa galit ka sa kan'ya." sagot naman ni Death sa pinsan.

"Death, h'wag kayong mag-away, please. Pamilya naman tayo, 'di ba?" pagpigil din ni Ara kay Death na susuntukin din sana ulit si Air.

"Sige, hindi ko kayo isusuplong ni tito sa mga pulis pero hinding-hindi ko kayo patatawarin sa pagkamatay ni Law." sinabi na lang ni Death bago pumiglas kay Ara at tumakbo patungo sa park.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon