#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 7 - Episode 29: Changing Preferences (May 31, 2021)
Warning: This chapter contains interpersonal violence and mature scenes. Read at your own risk.
"Tito, hindi ba mas'yadong harsh 'yong ginagawa natin sa kanila? Lalo na ro'n sa dalawa kasi hindi naman talaga dapat sila kasama r'yan." tanong ni Air sa kuya ng ama niya.
"Mabuti na 'yan para walang makapagsumbong ni isa sa kanila. Tinanggal lang natin si Death dahil kamag-anak n'yo s'ya at agad na nakaisip ng palusot ang tatay mo." paliwanag naman nito.
"Pero p'wede naman, pero kasama ang ex mo sa palalayain natin. Walang p'wedeng maiwan para agad nating malinis ang bahay ng tito mo." suhestiyon niya kay Air.
"Sige po, tito. Kausapin n'yo na po si dad para gawin n'ya 'yon. Sa tingin ko po, sapat na 'yong nagawa natin sa kanila. H'wag na po nating dagdagan." pakiusap ni Air sa tiyuhin.
"Sige, kausapin ko na s'ya. Ibuking mo na lang ang ex niya roon sa bunso sa kanila." agad na pagkausap nito sa ama ni Air.
"Sige, kuya." agad na binaba ng ama ni Air ang tawag at kinausap ang isang tauhan.
"Interrogation tayo, tulad ng dati." bulong nito sa isang tauhan na agad namang pumasok sa loob ng horror house.
"Dahil mas mabait si boss at gusto n'ya kayong pagbigyan, may itatanong lang kami sa pinakamatanda sa inyo. Kapag tama ang sagot na sinabi n'ya, palalayain na namin kayong tatlo." panimula nito kina Clarence, Terrence at Law.
"Magtatanong na 'ko ah. Pakasigurado n'yo na tama ang sasabihin mo, Clarence. Kayong dalawa, p'wede kayong tumulong sa kan'ya." bungad ng ama ni Air sa kanila bago humarap kay Clarence na nakasuot ng blindfold.
"H'wag kang mag-alala kung bobo ka kasi tungkol lang naman 'tong tanong sa inyong magkakapatid. Base lang 'to sa background check namin sa inyong tatlo." pagpapanatag niya pa sa loob ni Clarence.
"Magtanong ka na lang!" sigaw pa nito.
"Matapang ka? Sige nga, sabihin mo nga kay Law kung ano ang ginagawa mo kay Terrence kapag wala s'ya sa inyo." tanong nito kay Clarence.
"Anong ibig mong sabihin? Wala nga 'kong pakialam sa kan'ya tapos sasabihin n'yo na may ginagawa ako sa kan'ya." halos namamaos nang boses ni Clarence.
"Kuya, please, sagutin mo na lang para pakawalan na nila tayo. Ayaw ko na kasi nito. Gutom na 'ko, sigurado ako na kayo rin kaya sagutin mo na 'yong tinatanong n'ya." pangungonsensiya ni Law sa nakatatandang kapatid.
"Kung 'di kasi kayo sumugod ng peke mong kapatid sa bahay namin, eh di sana, wala tayo rito saka kung 'di pumalya 'yong nagligtas sa kapatid mo, kasama na rin dapat n'ya tayo." panunumbat naman ni Clarence sa kapatid.
"Bakit 'di nagsasalita 'yong isa? P'wede mo namang tulungan ang kuya mo since tungkol naman sa 'yo ang tanong." lumapit ang ama ni Air sa tapat ni Terrence.
"Walang dapat natutulog kapag kausap ko kayo!" sigaw pa nito sa tainga ni Terrence na nagpagising dito.
"Pagod na pagod na kami sa ginagawa n'yo sa 'min. Pakawalan n'yo na kami." pakiusap pa ni Terrence pagkagising nito.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Roman d'amour[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...