Episode 37: Checkmate, My Love (June 12, 2021)

4 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 9 - Episode 37: Checkmate, My Love (June 12, 2021)

"Sabi raw nila, mapahahamak ka dahil sa mga maling mga pas'ya mo sa buhay. Pero ba't sa 'kin, kinasaya ko pa?"

2018

"Napapagod na 'ko, Terrence. Kumain na muna tayo rito, okay? Saka gusto ko na ring sumilong saka umupo, ngawit na ngawit na 'ko sa kaaalalay sa 'yo." yaya ni Krista kay Terrence.

"Sige." mahinang sagot ni Terrence. Agad naman silang umupo sa tapat ng window glass, sa isang kantina.

"Kukuha lang ako ng order natin. Ako na ang bahala sa 'yo, ililibre kita." ani Krista na pinatong ang kamay sa mga kamay ni Terrence bago tumayo upang bumili.

"Holding hands tayo? Tara, lakad muna tayo saglit para masanay ka, para 'di ka na mailang sa 'kin." pag-alaala niya sa paghahawak nila ni Death na ikinangiti niya.

"H'wag ka nang umiyak. 'Di n'yan mapababago ang isip ko. Siguro nga, may feelings pa 'kong natitira sa 'yo pero willing akong itapon 'yon dahil mas gusto ko nang maging lalaki. Ayaw ko na ng ganito, Terrence. Alam naman nating dalawa kung ano ang nangyari sa kapatid natin, namatay s'ya kaya 'di ko na alam kung dapat pa ba nating ipagpatuloy 'to." naalaala rin niya na ikinasimangot niya. Ilang sandali pa ay nakabalik na si Krista.

"Mamaya pa raw kaunti 'yong order. Usap muna tayo. Buti na lang at kakilala ko 'yong nasa stall kaya nakahiram ako ng papel saka ballpen." inabot ni Krista sa kaniya ang panulat at papel.

"Boyfriend mo pala, nasaan?" unang tanong niya. Agad namang nagsulat si Terrence at ibinigay sa kaniya.

:Wala na, iniwan na niya ako.

"Ang bilis naman. Sabi na sa 'yo eh. Ginagamit ka lang talaga ng baklang 'yon eh. Titikman ka lang tapos iiwan ka." nasabi na lang ni Krista pagkabasa niya sa papel ngunit inabutan siyang muli ng papel ni Terrence.

:Mas gusto na n'yang maging lalaki. Ako lang ang may gusto sa kan'ya. Ako ang sinisisi n'ya sa pagkamatay ni Law.

"Terrence, ba't may patak 'tong papel? Umiiyak ka? Uy, sorry, tahan na. Hindi na natin s'ya pag-uusapan, okay?" kumuha si Krista ng panyo at lumapit kay Terrence. Pinunasan niya ang mukha nito at niyakap siya.

"Narito ako, Terrence. Sumandal ka lang sa 'kin. Hindi ako katulad n'ya. 'Di kita iiwan." nabalot lamang sila ng katahimikan. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain.

"Ano nga 'yong pairing natin no'n, Terrence?" biglang tanong ni Krista. Agad namang nagsulat si Terrence ng sagot.

"KrisTer? Parang bulol version lang 'yon ng name ko eh. Tapos ito, TerTa, ano 'to? Talong?" biro ng babaeng malakas ang boses.

"Ang corny 'pag in love. Nakauumay." nasabi na lang ni Death bago maisipang tingnan ang nag-uusap.

"Alam mo, mahal pa rin naman kita. Okay lang ba kung halikan kita tulad ng ginagawa natin dati?" narinig niya pa sa babae bago halikan ang kamay ni...

"Terrence?" nasabi na lang niya sa sarili nang halikan ng babae si Terrence sa harapan niya. Nagkatinginan lamang ang dalawa nang nagkahiwalay na ang kanilang mga labi.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon