Episode 23: Clash of Brothers (May 23, 2021)

25 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 6 - Episode 23: Clash of Brothers (May 23, 2021)

"Sa totoo lang, medyo gumaan ang loob ko nang malaman ko na 'di lang pala ako ng bading sa angkan namin but at the same time, naaawa ako sa kan'ya dahil sa dalawang pamilya s'ya nagkakaroon ng pressure para maging straight. Siguro, totoo nga ang kasabihan na kaba-Cla-an (kabaklaan) runs in a family. Tingnan n'yo 'yong Rence brothers. Triple kill sa homophobic nilang kamag-anak."

2018

"Umiyak ka lang kung gusto mo. Makikinig lang ako." panimula ni Death.

"Kung martyr ako, gan'yan talaga ang gagawin ko, kaya lang, hindi ko talaga masikmura ang ginawa ng hayop na 'yon sa 'kin. Ang gusto ko lang gawin sa lalaking 'yon ay gantihan s'ya kaya ipatutumba ko s'ya kila dad pati na rin kila tito r'yan sa kabila." agad na paglabas ng galit ni Air.

"Ah, lalaki ba ang ex mo. Akala ko kasi na straight ka kasi ang..." hindi na tinuloy ni Death ang pagsasalita nang sumingit si Air.

"Kasi ang g'wapo ko? Okay, sige, pero 'di 'yon batayan ng pagiging straight. Kaya kung kilala mo 'yon. Please do tell me. Bibigyan talaga kita ng kahit anong gadget na gusto mo." medyo mayabang na tugon ni Air.

"Okay, 'di ako judgemental. Marami naman akong kilalang gaya mo. Pero wala ka man lang name or picture ng boyfriend mo, or I mean, ng ex mo para makita ko kung kilala ko 'yan." tumayo si Air pagkasabi nito para kunin ang cell phone nito.

"Sorry, 'di ko pa kayang tumingin dito sa phone ko. So p'wedeng ikaw na lang ang magbukas nitong phone ko?" inabot ni Air ang cell phone sa kaniya pagkatango na pagkatango ni Death sa suhestiyon niya.

"Ano palang password nitong cell phone mo?" tanong ni Death nang makitang kailangan ng password para mabuksan ang cell phone.

"Iharap mo sa 'kin 'yong front cam ng phone." lumapit si Death at itinapat ang front cam ng cell phone sa mukha ni Air. Agad namang bumukas ito.

"Tingnan mo 'yong wallpaper, kami 'yong dalawa." agad namang itong tiningnan ni Death.

"Sandali, kilala ko 'tong lalaki na 'to ah? Parang nakita ko lang s'ya kanina."it nasabi na lang ni Death nang makita ang litrato.

"Hindi nga kita kilala tapos hahanapin mo sa 'kin ang kapatid ko. Kung ako sa 'yo, hanapin mo na lang s'ya kung magpapahanap s'ya sa baklang katulad mo." pagtanda ni Death sa isa mga sinabi nito sa kaniya.

"Talaga? Sa'n mo s'ya nakita?" nagmamadaling tanong ni Air.

"Doon sa bahay nila. Alam mo, walang hiya talaga ang lalaki na 'yon. Tinawag ba naman akong baboy eh 'di naman ako gano'n kataba. Saka ang sama rin ng ugali no'n tulad ng kapatid n'ya." pagkuwento ni Death.

"Saan 'yon, Death, please?" pagmamakaawa pa ni Air.

"Hindi mo ba alam? Akala ko ba, magdyowa kayo?" pagtataka ni Death.

"Patago lang kasi kaming nagkikita sa park namin, do'n lagi ang date namin pati na rin ang only sex namin kaya lang, feeling ko, nagsasawa na s'ya sa gano'ng setup kaya bigla n'ya 'kong hinanapan ng iba tapos 'di na s'ya nagpakita pa sa 'kin." salaysay ni Air.

"Sorry at napunta ka sa maling lalaki. Sana makahanap ka ng tunay na magmamahal sa 'yo kasi deserve mo 'yon." niyakap ni Death si Air.

"Death, 'yong address." pagpapaalala ni Air habang magkayakap pa rin sila.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon