Episode 24: Contract for Reversion (May 24, 2021)

21 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 6 - Episode 24: Contract for Reversion (May 24, 2021)

"Sige, suntukin mo 'ko, p'wede kitang pakasuhan ng child abuse dahil seventeen pa lang ako and that would imply that you are guilty of raping my foster brother, Lawrence Row." banta ni Death nang makita ang nakaambang kamao ni Terrence.

"Ano ba kasing problema mo sa 'kin at ako na lang lagi ang pinupuntirya mo? Gano'n ba ka-boring ang buhay mo, Death? Sa totoo lang, nakararami ka na, pinaghiwalay mo kami ni Krista, kinuha n'yo na si Law, nagkalat ka ng fake scandal kaya ako natanggal sa showbiz, tapos itong sa pagmo-model ko." pagbibilang ni Terrence ng mga ginawa sa kaniya ni Death.

"It's the least you deserve, Terrence. Alam mo, gusto kang kausapin ng tatay namin ni Law tungkol sa inyo, of course. At dahil napag-alaman namin na pinagtangkaan mo s'ya ulit recently, p'wede kang makasuhan ng attempted rape. Kaya kung gusto mong pag-isipan pa namin, sasama ka sa 'kin at mag-uusap-usap tayo nina paru at ni Law." wala nang nagawa si Terrence at sumunod na lamang kay Death hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ni Rudolph.

"Buti naman at 'di pumalag 'yan. Nakarating na raw ang mga lawyer natin sa bahay para mabigay na natin sa lalaking 'to ang restraining order." ani Rudolph nang makitang mapayapang nakarating ang dalawa bago paandarin ang kotse.

"Sandali, restraining order? Bakit n'yo ako ilalayo sa kapatid ko? Dapat nga kayo ang tinatanggalan ng karapatan sa kan'ya dahil sa mga masasamang sinasabi ng mga kapatid ng tatay mo." pagrereklamo ni Terrence.

"Sigurado ako na 'yong kila tito eh pinagsabihan lang nila si Law. At least, hindi nila sinaktan si Law, hindi tulad mo na 'di mo lang sinaktan, ginahasa mo pa. Kaya ikaw ang hindi deserving na maging kuya ni Law." pagtatama ni Death.

"So, sa tingin mo, ikaw ang nararapat na kuya para kay Law? Ni hindi ka nga kumikilos nang parang lalaki." panlalait ni Terrence sa katabi.

"H'wag mong idadamay ang kasarian ng anak ko rito kung ayaw mong maging permanente ang restraining order." banta pa ni Rudolph. Hindi na lamang nagsalita si Terrence kaya nabalutan ng katahimikan ang sasakyan.

"Bumaba na kayo. Narito na tayo." pagbasag ni Rudolph sa katahimikan pagkalipas ng ilang minuto. Nagsibabaan na silang tatlo at dumiretso sa sala.

"Paru, since hindi naman po talaga ako kasama r'yan sa issue nilang magkapatid, doon lang po ako sa computer para medyo malayo po ako sa inyo para na rin 'di po ako ma-out of place." pagpapaalam ni Death at pumunta sa computer sa 'di kalayuan. Ilang sandali pa ay bumalik na ang mga abugado.

"Okay, Mr. Terrence, ito na ang temporary restraining order effective today. So, after kang kausapin no Mr. Row ay aalis ka na rito sa residence nila until further notice. Ito ang kopya." inabot ng isang abugado ang restraining order kay Terrence.

"Bakit kasi may ganito pa?" nasabi na lang ni Terrence pagkabasa niya sa papel.

"Actually, binibigyan ka ng favor ni Mr. Row. Not, Mr. Rudolph, si Mr. Narh Death ang may suggestion sa amin na mas mainam na 'di ka na lang lalapit kay Mr. Row, which is si Lawrence." pagtatama ng isa pang abugado.

"P'wede pong mag-usap kami sandali ni Death pagtapos natin dito?" tanong pa ni Terrence.

"Itanong mo sa kan'ya kung gusto n'ya pang makipag-usap sa 'yo." tinuro ni Rudolph si Death na nasa computer.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon