#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 8 - Episode 35: Controlling the Old Feelings (June 8, 2021)
"Si Kuya Air, hindi ko talaga alam sa kan'ya. May pagkukulang din naman pala s'ya sa Clarence na 'yon tapos ang tindi n'yang maghiganti. Pero may hahadlang pa pala sa pagiging lalaki ko."
2018
"Ang galing n'yo, 'no? Ibang tao ang napagbibintangan sa bagay na kayo naman talaga ang gumawa." panimula ni Death.
"Hindi ko na kasalanan kung ayaw nila sa bakla at gano'n ang ginagawa nila. Nakalilimutan mo ba na mayaman ako since birth so hindi ko talaga malalaman ang ugaling squatter katulad mo at ng ex natin." bigla siyang hinila ni Death sa kuwelyo nito.
"Ulitin mo 'yang sinabi mo. Hindi ako laki sa squatter, oo. Pero may respeto ako sa kanila. Nirespeto ko ang ex ko. Pero ikaw, nirespeto mo ba si Clarence nang kayo pa? Siguro hindi kaya ka nga n'ya iniwan kasi 'di n'ya matiis ang pagiging matapobre mo." tinulak lamang ni Death si Air palayo ngunit bigla siyang hinablot nito at sinuntok.
"Gago ka! Binigay ko ang lahat sa gagong 'yon! Katawan ko, pera ko, kagamitan ko, tapos gagano'nin n'ya lang ako, gagaguhin?" nasabi na lang ni Air pagkabitaw sa pinsan.
"Ang babaw mo naman, kuya Air. Hindi gano'n ang pagmamahal na luho at libog lang katulad ng iniisip mo. Sigurado naman ako na willing ka namang magpagamit sa kan'ya kaya ayon, sinamantala n'ya, so sino ang tanga? Wala man akong nabigay kay Terrence noong kami pa, minahal naman n'ya 'ko nang totoo." pangaral at pagmamalaki naman ni Death sa kaniya.
"Pero hiniwalayan mo pa rin kaya pareho pa rin tayong ligwak sa pag-ibig." pang-aasar pa ni Air kay Death.
"At least ako, nagpapakalalaki na, pero ikaw, nilamon ka na ng pride mo. Akala ko, nang nag-usap tayo, ipakikita mo lang sa kan'ya na naka-move ka na pero iba ka pala maghiganti. Gusto mo, 'yong may nadadamay, 'yong may namamatay." katuwiran muli ni Death na sinuntok na naman ni Air.
"Ito nga, 'di mo magawa sa 'kin tapos yayabangan mo 'ko ngayon na lalaki ka?" sinuntok muli ni Air si Death.
"Marunong din ako n'yan kaya h'wag na h'wag mo akong maliitin." sumuntok din si Death kay Terrence ngunit ni hindi man ito umaray.
"Ang hina naman, Death. Ensayo ka pa pero ang bakla, 'di na aalis sa pagiging bakla. Kung bakla ka talaga, bakla ka na talaga. Bakla." pang-aasar pa ni Air sa pinsan bago sumuntok muli rito.
"Sige, kung bakla ako, ikaw naman ba-kri, kasi bakla ka na nga, kriminal ka pa." pagkasabi nito ni Death ay tinadtad s'ya ng suntok ni Air.
"Ara, tulungan mo 'ko rito! Bilis!" sigaw ni Ark na tila hindi nila narinig.
"Anong nangyari, ate Ark?" tanong nito.
"Tingnan mo 'yong dalawa, nagkainitan na, baka kung mapaano pa sila. Awatin na natin." agad na tumakbo palabas ang dalawa at hinatak ang dalawa palayo sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...