#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 3 - Episode 10: Confrontation Between the Gay Sons (May 4, 2021)
Warning: This chapter contains a little bit of explicit content and mature language. Read at your own risk.
"Kinabukasan nang nalaman ko na may relas'yon sila ni kya Den, agad ko s'yang sinugod. Buti sana kung naro'n si paru nang nangyari 'yon, sana na-Law-b-Law-b (nalublob) na s'ya nang mas maaga sa drum. Pero at least, worth it naman ang pagpapahiya ko sa kaniya."
2018
"Ito pa pala kuya, umamin ka nga po sa 'kin." tumingin lamang si Den sa kaniya.
"Do you happen to be gay?" diretsong tanong ni Death sa tiyuhin.
"No. Never. Oo, nakipagtalik ako sa lalaki pero hindi ako bakla. Gusto ko lang namang sumubok ng lalaki saka hindi naman ako makatitikim ng lalaki kung hindi ako nakatanggap ng blackmail galing sa Law na 'yon." pagtanggi ni Den sa duda ni Death.
"Blackmail? Ano bang sinabi n'ya sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Death.
"Sinabi lang naman n'ya na isusumbong n'ya kay kuya Rudolph na ako ang nagbigay ng magazine sa 'yo, siguro kasi nakita n'ya ako sa loob no'n." sagot ni Den na ikinanuot ng noo ni Death.
"Walang hiya talaga 'yong Law na 'yon. Ang sarap n'ya na talagang ipasagasa sa Law-nmower (lawnmower). Talagang gagamitin pa si paru para lang mapunan ang libog n'ya." nasabi na lang ni Death.
"Kuya, alam mo, pa-test ka na kasi baka kung sino na ang dumaan sa katawan no'n tapos nahawa s'ya ng something like syphilis, gonorrhea, STD, HIV or AIDS tapos nagpagalaw s'ya sa 'yo." pananakot pa ni Death.
"H'wag mo na 'kong alalahanin, Death. Nagsuot naman ako ng condom nang ginawa namin 'yon saka sinigurado ko talaga na malinis s'ya lagi. Alam mo 'yon, sinundot ko s'ya gamit ang daliri ko." pinakita pa ni Den kung paano niya ito ginawa gamit ang kaniyang mga kamay.
"Kadiri ka naman mas'yado, kuya. Just keep it to yourself. Wala naman akong balak na makipag-sex sa katulad n'yang Law-s'yang (losyang) na." tinigil naman agad ni Den ang kaniyang kabastusan.
"Pero alam mo, kuya, p'wede natin 'yong gamitin laban sa kan'ya. Kailangan ko lang ng magandang timing at s'yempre, kuya, may contribution ka dapat." pinilit abutin ni Death ang balikat ni Den.
"Sabihin mo lang ang gusto mong ipagawa, Death." lumapit si Den kay Death kaya nahawakan na niya ang kaniyang balikat.
"Kailangan ko ang katawan mo, kuya." bulong na tugon ni Death.
"H'wag kang green minded, kuya. Oo, hinahalikan kita pero dahil kuya lang kita at 'di ako pumapatol sa tinuring kong kapatid. Ang ibig ko lang namang sabihin ay gusto kong akitin mo si Law, so dapat, maghubad ka ng shirt. 'Di ba, hindi pa naman kayo break?" tanong pa ni Death.
"Ngayon sana kaya lang kinulong nga kayo ni Nico roon sa bodega." bumitaw na si Death sa kaniya.
"So bukas, ako muna ang magpapakita sa kan'ya tapos hintayin mo ang cue ko para lapitan s'ya." bilin ni Death na tinanguan naman ni Den. Ilang sandali pa ay pumikit na si Death. Ngunit napadilat s'ya ulit nang biglang may bumukas sa pintuan.
"I'm here, mga boys. Narito na 'yong isang galon ng tubig plus ang mga mer'yenda. Salamat po, kuya nurse." inabutan niya ng pera ang nars na umalis din pagkasara ni Nico ng pinto.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...