#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 9 - Episode 40 (Finale) : Creating Nothing (June 15, 2021)
Warning: This chapter contains some mature scenes. Just read it. With risk, of course.
"H'wag mo ring gagawin sa 'kin ang ginawa sa 'kin ni Law rito dati." panimula ni Death nang makaupo silang dalawa sa dulo.
"Ano bang ginawa n'ya?" tanong lamang ni Terrence.
"Para gagawin mo rin sa 'kin?" tanong ni Death na nakataas ang isang kilay.
"Never kitang sasaktan, Death. Hindi rin kita idi-judge dahil mahal na mahal kita." diretsong sagot niya.
"Okay, sige. Naisip ko rin naman 'yan pero bago mo simulan 'yang panunuyo mo sa 'kin ay sabihin mo muna kung ano 'yong tawag mo sa paglalandian n'yo ni kuya Den kanina sa labas kung hindi 'yon pangangabit." pinakita ni Death ang litrato nina Den at Terrence na magkadikit na magkadikit.
"Nag-usap lang kami ng tito mo, promise. Nagkataon lang siguro na nakita mo kaming gano'n pero usapang lalaki lang 'yon at hindi ko gusto si kuya Den dahil nga kasi ikaw ang gusto ko." mapang-akit pang tugon ni Terrence.
"Tumigil ka na nga. May gift na lang ako sa 'yo." binuksan ni Death ang flashlight ng cell phone niya at hinanap ang isang libro.
"Buti naman at narito ka pa." nasabi na lang niya nang makita pa ito.
"Ito, na dahilan kaya kami nagkasakitan ni Law in this very same place pero six years ago na 'yon so baka panis na 'yong mga bakas ng laway na iniwan n'ya r'yan." speech pa ni Death bago iabot kay Terrence ang libro.
"Puro nakahubad na lalaki 'to eh at si kuya Den 'to." pagkasabi nito ni Terrence ay agad na inigaw ni Death ang libro.
"Sabi na nga ba at papansinin mo talaga si kuya Den. Aminin mo na kasi na may hidden agenda ka sa kan'ya. Ang pogi naman kasi talaga ni kuya kaya 'di kita masisisi kaya lang, may asawa na kasi s'..." ani Death pagkahagis ng libro palayo.
"G'wapo ka rin." pagsingit ni Terrence na ikinatahimik ni Death.
"Manahimik ka nga. Alam mo, enjoy-in mo na lang lahat ng lalaki r'yan sa libro except kay kuya then papansin na kita. B'wisit naman kasi si paru. Talagang naisipan pa n'yang gamitin 'tong bodega para lang mai-set up tayong dalawa." sinabi na lang niya at kinuha ulit ang libro.
"Mas gusto kita kaysa sa libro na 'to." tugon ni Terrence na nagpabitaw kay Law ng libro.
"Mas gusto kita topless ka man o hindi, sa 'yo at sa 'yo lang ako magpapaakit, Death." tumayo na si Terrence ang marahang lumapit kay Death.
"H'wag kang puro salita, Terrence. Since narito na rin naman na tayo sa bodega at walang nakakikita sa 'tin, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin dahil sigurado ako na after ng libing bukas ay hindi na tayo magkakaroon ng ganito." pag-ulit pa ni Death bago siya mapasandal ni Terrence sa dingding.
"Death, umamin ka nga. Naging lalaki ka ba talaga o para lang makaganti ka sa 'kin dahil sa mga nalaman mo tungkol kay Law?" tanong niya bago pumatong kay Death.
"Lalaki ako." medyo matikas na sagot ni Death bago lumunok.
"Lalaki ba 'yong gan'yan?" tanong pa ni Terrence habang tinitingnan nang mata sa mata si Death.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...