#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 2 - Episode 5: Catalog of Hunks (April 27, 2021)
Warning: This chapter contains a mature dialogue. Read at your own risk.
"Nilayo na nga n'ya si tita Nico pati si kuya Den sa 'kin tapos magdadala pa s'ya ng bagong bata roon sa bahay namin. Seryoso ba s'ya? Lahat talaga, ginagawa n'ya para lang hamakin ako. Anong klase s'yang ama?"
2012
"Sandali lang ah, tatawagin ko lang muna ang anak ko, umupo ka na muna r'yan sa sofa." sabi ni Rudolph sa kasama nito na umupo muna sa isang upuan habang paakyat na si Rudolph.
"Narh, gumising ka na r'yan. May ipakikilala ako sa 'yo." pagkatok ni Rudolph sa pintuan ng kuwarto. Ilang sandali pa ay bumaba ulit ito upang kunin ang susi para sa kuwarto ni Death.
"Ikaw nga ang kumatok do'n, baka sakaling buksan n'ya." umakyat naman ang kasama ni Rudolph at sinubukang hanapin ang kuwarto ng anak nito.
"Narh, nasaan ka?" kumatok siya sa pinakaunang pinto at binuksan ito.
"Walang tao rito. Nasa'n kaya s'ya?" nasabi na lang nito sa sarili, tumungo naman siya sa ikalawang pinto at kumatok ito.
"Narh, narito ka ba?" pumasok siya sa ikalawang kuwarto.
"Wala na naman s'ya rito. Baka naro'n s'ya sa huling pinto." lumapit siya sa ikatlong pinto at agad na binuksan ito.
Samantala kanina, sa banyo...
"Si paru talaga, nanggigising, makaligo na nga lang, mas'yado na 'kong stressed." nasabi na lang niya sa sarili habang naghuhubad na ng mga suot nitong pambaba sa loob ng banyo.
"Ano ba 'yan? Bigla pa 'kong natae." agad na umupo si Death upang mailabas pa niya ang kaniyang dumi. Ilang sandali pa ay hinugasan na niya ang kaniyang puwit. Matapos nito ay tinanggal na rin niya ang suot niyang damit. Maliligo na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo.
"Ah! Sino ka bang bata ka ah?! Umalis ka rito!" binato ni Death ang tabo sa bata at agad na sinara ang pintuan ng banyo.
"Sandali lang, kuya." dinig pa niyang sinabi ng lalaki bago niya buksan ang shower.
Samantala, sa labas ng banyo...
"Ang sakit naman no'n." nasabi na lang ng batang lalaki sa sarili habang hawak niya ang kaniyang ulunan.
"Nakita mo na ba s'ya? Anong nangyari d'yan sa ulo mo?" agad na tanong sa kaniya ni Rudolph nang makita siya nito.
"Wala po 'to, sir Row, ayos lang po ako." sagot lang sa kaniya ng bata.
"Anong sir Row? Paru ang itawag mo sa 'kin, 'di ba nga, aampunin na kita?" niyakap lamang siya ng bata.
"Sige na, bumaba ka na. Ako na lang ang tatawag kay Narh." bumaba na ang bata samantalang si Rudolph naman ay binuksan na ang kuwarto ni Death.
"Nagbanyo siguro 'yon." nasabi na lang niya at lumabas ulit.
"Narh, bilisan mo, may ipakikilala ako sa 'yo." sigaw ni Rudolph nang makarating ito sa tapat ng banyo para marinig siya ni Death. Ilang sandali pa ay bumaba na siya.
Samantala, sa loob ng banyo...
"Narh, bilisan mo, may ipakikilala ako sa 'yo." dinig ni Death mula sa labas.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Storie d'amore[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...