#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 8 - Episode 36: Comfort of a Family (June 9, 2021)
"I admit, nasaktan ako sa nakita ko. Eh sa gano'n talaga. Pero mas nakasasakit 'yang tadhana na 'yan, pilit kaming pinaglalapit kahit na isinisiksik ko na sa isipan ko na lalaki na 'ko."
2018
"Sorry sa inasal sa 'yo ng kapatid ko, mas'yado talaga s'yang moody, daig n'ya pa kami na may mga period." nasabi na lang ni Ark bago sila sumakay.
"Oo nga pala, may bilin pa si mom na bumili raw ako ng mga coffee, chocolate drink, basta hot drinks para sa mga bisita. Gusto mo bang dumaan na tayo sa canteen sa subdivision n'yo para mabili na natin agad?" pagyaya ni Ark sa pinsan pagsakay nila.
"Sige, ate. Para 'di na rin masayang 'yong gas. Dagdag pollution pa kasi 'yan." pagpayag naman ni Death.
"Nice naman. Kuya, doon tayo sa canteen na dinaraanan natin lagi." utos ni Ark sa driver. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa subdivision.
"Thank you, kuya. Kahit na ang random, nagawan mo 'ko ng ganitong favor, 'yong kakain na lang basta sa labas kasi napurnada 'yong lakad natin. Never kasi nilang ginawa 'yong ganito sa 'kin, 'yong ipas'yal man lang ako kahit minsan kaya malaki ang pasasalamat ko kay paru mo kasi tinuring n'ya talaga ako na parang anak. Pero seeing you, alam ko na nagmana ka nga talaga kay paru, na mabait, maunawain, saka maalaga. Thank you sa pagiging kuya mo sa 'kin, Death." pag-alaala ni Death nang makaraan sila sa tinambayan nila ni Law.
"Alam kong namatay ang kapatid mo, Death. Pero h'wag mo 'kong hawaan ng iyak kasi baka tumulad ako sa 'yo." nasabi na lang ni Ark nang makitang tumulo ang luha ni Death.
"No, ate. Naalaala ko lang si Law. Kung pa'no n'ya 'ko hangaan dahil nakikita n'ya ang ugali ni paru sa 'kin. 'Yong kabaitan n'ya na ngayon ko pa lang nararanasan." palusot ni Death.
"I feel you, Death. Gan'yan din si dad sa 'min, lalo na sa 'kin. Kahit na babae ako, ramdam ko ang pressure sa... narito na pala tayo. Babalik kami, kuya." agad na silang bumaba at pumasok sa kantina.
"Kung gusto mo pang umupo, sa two-seater ka na lang, sandali lang naman tayo rito." bilin ni Ark bago lumapit sa isang stall. Sinubukan naman ni Death na maghanap ng mauupuan nang may bigla siyang narinig.
"KrisTer? Parang bulol version lang 'yon ng name ko eh. Tapos ito, TerTa, ano 'to? Talong?" biro ng babaeng malakas ang boses.
"Ang corny 'pag in love. Nakauumay." nasabi na lang ni Death bago maisipang tingnan ang nag-uusap.
"Alam mo, mahal pa rin naman kita. Okay lang ba kung halikan kita tulad ng ginagawa natin dati?" narinig niya pa sa babae bago halikan ang kamay ni...
"Terrence?" nasabi na lang niya sa sarili nang halikan ng babae si Terrence sa harapan niya. Nagkatinginan lamang ang dalawa nang nagkahiwalay na ang kanilang mga labi.
"I love you, Terrence. P'wede na ba tayong magkabalikan?" panunuyo ng babae kay Terrence na tinitingnan lamang ni Death.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...