Episode 27: Captured Three and a Row (May 29, 2021)

10 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 7 - Episode 27: Captured Three and a Row (May 29, 2021)

Warning: This chapter has mentions of abuse. Read at your own risk.

"Tulad ng maraming relas'yon, agad kaming nahuli ni Law dahil lang sa mali ang timing ng pagtawag n'ya sa 'kin tapos..."

2018

"Sorry kung 'di po ako straight tulad ng inaakala n'yo. Matatanggap n'yo po ba 'ko?" narinig niya mula kay Air. Napatingin ang walo sa pagpasok niya.

"Tanggap kita, Air, tulad ng pagtanggap ko kina Death at Law." sagot ni Rudolph.

"Tulad ng sinasabi ko, tanggap ko ang lahat ng tungkol sa kadugo ko." dugtong pa ni Ramil.

"Same kay kuya, marami naman kaming anak na lalaki kaya ayos lang, tuloy na tuloy pa rin ang Row." pagsang-ayon din ni Ricky.

"Karma talaga 'to dahil sa panloloko nitong lalaki na 'to sa kapatid natin." ani Rene sabay turo sa asawa ni Roselyn.

"H'wag mong idamay ang relas'yon namin ni Roselyn dito." nasabi na lang ng asawa ng kapatid nila.

"Basta huli na 'to dahil dalawa lang sila ng anak ko ang lalaki sa angkan namin." nasabi na lang ng panganay na kapatid ng asawa ni Roselyn

"Wala naman po akong anak so, nice bro." nag-thumbs up na lamang kay Air ang bunso ng mga Tan.

"Air, ganito ka kapag may hihingin ka sa 'kin. P'wede ba tayong mag-usap sa bahay kasama ng ama mo pati ng kakambal ko?" tumango lamang si Air at umalis na ang apat papunta sa kabilang bahagi ng rotunda.

"Welcome sa bahay ko, Air. Sikreto lahat ng laman nito kaya h'wag mong sasabihin sa kahit kanino kung anong nakita mo rito kaya nga kaming tatlo lang na magkapatid ang narito ngayon, kasama ang ama mo." paliwanag ng ikalawa sa kanila.

"Lahat ng gustong ipatumba noon nila kuya ay dinala nila rito at sinaktan nang sinaktan hanggang sa sumuko sila. At hindi rin sila makapagsusumbong dahil wala silang kahit anong ebidens'ya." dagdag pa ng ama ni Air.

"Kaya, Air. Sabihin mo sa 'min kung sino ang gusto mong patumbahin at bakit?" tanong naman ng panganay.

"Gusto ko pong gumanti sa Clarence na 'yon, sinabi n'ya sa 'kin sa mismong park pa natin na ako lang ang mamahalin n'ya tapos bigla na lang s'yang magkakaroon ng iba. Manloloko s'ya, 'di n'ya deserve mahalin ng kahit sino!" sigaw ni Air sabay pukpok sa isang kahon. Biglang may bumukas na kuwarto dahil dito.

"Dito ang lihim na lugar para paglabas nila papunta roon, ay hindi na nila matandaan kung saan sila nanggaling at effective 'yan sa lahat ng naging kalaban ng kakambal ko." pagturo ng ikalawa sa lagusan na binuksan ni Air.

"Binalita pa nga halos lahat ng nanggaling dito na pinahirapan namin at kahit sila, wala silang masabi kung ano talaga ang nangyari." dugtong pa ng panganay.

"Ano ba ang gusto mong gawin sa ex mo? Torture, putulan ng daliri, hypnotism, electrocution? Sabihin mo lang kung may naisip kang bago." tanong ng ama niya sa kaniya.

"Okay lang naman po 'to siguro sa inyo, 'no? Gahasain n'yo po s'ya kung ayos lang sa inyo." suhestiyon ni Air.

"Ayos lang kasi p'wede namang ibang gamit ang ipasok sa butas n'ya. Kidding aside, h'wag kang mag-alala, Air. Itong gagawin natin sa kan'ya, ni hindi n'ya matatandaan kung saan nangyari." pagpapaalala pa nila sa kaniya.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon