Episode 3: Crossdress (April 25, 2021)

65 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 2 - Episode 3: Crossdress (April 25, 2021)

Warning: This chapter contains a mature scene. Read at your own risk.

"May ginawa raw si kuya Den no'n tapos sinukat daw nila sa 'kin 'yong palda kaya siguro... alam n'yo na. Pero that doesn't mean na sila ang mga pakana kung bakit ako nagkaganito."

2000

"Umupo kayong dalawa at mag-uusap-usap tayong tatlo." umupo naman sina Nico at Den sa mga upuan magkabilang gilid ng kinauupuan ni Rudolph.

"Gusto kong malaman n'yo na ayaw ko na ginagawa n'yo 'yon sa pamamahay ko. Gawin n'yo 'yon sa bahay ng asawa ko, wala akong pakialam." panimula ni Rudolph sa kanilang dalawa.

"Sorry po, kuya. Promise, babantayan na namin nang maigi si Narh." paghingi ni Nico ng tawad.

"Sige, pero si Den ay sasama na sa 'kin sa trabaho, s'ya ang magiging assistant ko at ikaw lang, Nico ang mag-aalaga sa pamangkin mo. Deal ba tayo? Para din sa inyo 'to 'pag magiging mag-asawa na kayo." pumayag na lamang ang dalawa sa iminumungkahi ni Rudolph at nagsimula nang kumain.

"Oo nga pala, darating pala lahat ng mga kapatid ko mamayang gabi kaya umayos kayong dalawa at magtulungan tayo sa paghahanda ng pagkain natin." bilin ni Rudolph sa dalawa.

"Sige po, kuya. Kaya lang, si Ni, baka buntis na rin." nasabi na lamang ni Den.

"Den! Tumigil ka nga! Saka sinuot mo naman 'yong..." biglang napatigil si Nico dahil...

"Tama na 'yan. Kumakain tayo eh." saway pa ni Rudolph.

"Lilinisin ko na po 'yong kalat na ginawa namin sa k'warto mo." agad na umalis si Nico at iniwan silang dalawa. Nagsimula na siyang maglinis sa kuwarto ni Rudolph.

"Ano ba 'yan?! Ang baho talaga kapag nakikipagtalik o talagang si Den lang? Tuturuan ko nga s'yang maglinis." nasabi na lang ni Nico sa sarili habang nililinis ang kuwarto ni Rudolph na napuno ng malalagkit na mga likido.

"May iba pa kayang kumot si kuya?" binuksan niya ang aparador ng bayaw at kumuha ng ikukumot sa higaan nito.

"P'wede na siguro 'to." inilatag niya ang sapin at inayos ito. Ilang sandali pa ay napaupo na lamang siya sa kama.

"Ru, ang ganda naman ng katulong n'yo at ang sexy pa." lumapit sa kaniya ang lalaki at agad itong...

"Bastos ka!" agad na tumakbo si Nico palabas ng kuwarto hanggang sa makarating s'ya sa baba.

"Kuya!" sigaw niya pa bago makalapit kay Rudolph.

"Anong nangyari sa 'yo? Para kang nakakita ng multo r'yan." nasabi na lang ni Rudolph at patuloy na nagluto.

"Kuya, may manyak sa k'warto mo! Hinipuan pa 'ko ng gago! 'Pag nakita ko ulit 'yon, 'di lang basahan ang ihahagis ko sa kan..." napatigil siya nang biglang tumabi kay Rudolph ang lalaking nakita niya sa kuwarto nito.

"'Yan, kuya, s'ya 'yong bastos na 'yon. Paalisin mo na nga 'yang manyak na 'yan!" sigaw pa ni Nico habang dinuduro ang lalaki.

"Ru, pagsabihan mo nga 'yang katulong mo na hindi n'ya dapat ako tinatrato nang gano'n. Ang baho ng basahan n'ya, puno ng tamod ng kung sino. S'ya ang paalisin mo." sumbong ng lalaki kay Rudolph. Humarap na lamang siya sa kanilang dalawa.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon