#CONVERSION
#ConsentedReversion
Chapter 4 - Episode 14: Calling New Models For Duty (May 10, 2021)
Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minimal violence, and mature language. Read at your own risk.
"Nasampal na 'ko, nasipa pa 'ko tapos nabato pa 'ko. Ano pang susunod ngayong araw na 'to? B'wisit din kasi si Law." nasabi na lang ni Terrence habang naglalakad hanggang sa nakasalubong niya ang dalawa niyang kaibigan.
"Russel, Mark, narito pala kayo?" bati niya sa dalawa nang makilala niya ang mga ito.
"Buti nga at naisipan mo pang lumabas kasi may lumabas na tungkol sa 'yo." panimula ni Mark na kakamayan sana si Terrence ngunit biglang niyang iniwas ang kaniyang kamay.
"Akala ko nga, na ako lang ako lang ang papatol sa lalaki pero ikaw rin pala? Congrats sa 'yo, Mark, ikaw na lang ang straight." dugtong pa ni Russel.
"Tama ka, gusto n'yo, dalhin ko pa s'ya bukas sa laro natin?" pagmamayabang pa ni Mark.
"Sige po, alpha-pha (alpha papa) Mark, ako rin naman ang top sa 'min, pati 'yong kumalat na scandal ni Terrence, s'ya rin naman ang top do'n." ano pa ni Russel.
"Scandal? Ano 'yon? Wala naman akong naka-sex na lalaki kahit kailan." pagtanggi ni Terrence.
"Alam mo, wala na ring use kung magde-deny ka kasi kalat na kalat na 'yon. Baka siguro pati ang boss natin eh alam na ang tungkol d'yan sa video. Ipanood ko ah." pinakita ni Mark ang cell phone nito at nakita ang parehong video na pinanood ni Death sa kanila ni Krista.
"Walang hiya talaga 'yong Death na 'yon! 'Di naman ako 'yan eh!" depensa pa niya sa dalawa.
"Kahulma mo nga 'yang nakatalikod so imposibleng hindi ikaw 'yan." biro pa ni Russel. Magsasalita pa sana si Terrence nang may biglang tumigil na sasakyan sa tapt nila.
"Hala! Ito na siguro ang manager natin." pagkasabi nito ni Mark ay bumaba na ang lalaki mula sa tumigil na sasakyan.
"Terrence, hindi na 'ko magpapatumpik-tumpik pa. The three of you are all fired. Napag-alaman namin by our background check na may mga scandal kayo all over the internet specially Terrence. Good day and we won't see each other ever again." hindi na nakapagsalita ang tatlo kaya sumakay na lamang ang manager sa sasakyan na agad namang umalis.
"Kasalanan mo 'to, Terrence. Hindi ka nag-iingat. Pati tuloy kami ni Mark, nadamay." sabi pa ni Russel.
"Hindi nga kasi sabi ako 'yon at patutunayan ko 'yon sa 'yo." iniwanan na ni Terrence sina Russel at Mark.
"Sige lang, Mr. Scandal. Kita na lang tayong tatlo bukas." nauna na si Russel na umalis sa kanilang tatlo.
"Sige, mag-aayos na rin ako para sa magiging date namin ni Alex." aalis na sana si Mark ngunit pinigilan siya ni Terrence.
"Alex? So lalaki rin pala ang ipakikilala mo sa 'min?" natawa lamang si Mark sa kaniya.
"P'wede rin sa babae ang Alex, Ter. May Russel nga ring babae. Malay mo may babae ring ka-name natin." ani Mark na hiningahan pa ang pisngi ni Terrence.
"Kadiri ka, Mark, ang baho ng hininga mo. Sige, aalis na 'ko. May aayusin pa 'kong gusot." aalis na sana si Terrence nang biglang sumigaw si Mark.
BINABASA MO ANG
Conversion (Consented Reversion)
Romance[FIL] Some people's sexual preference will interchange. 'Alam mo, para kang noob sa mga horror games na tago nang tago sa closet. Lalabas ka saglit tapos babalik ka ulit sa loob. Parang kasarian ko, mo, natin.' Pinangalanang kamatayan na kayang magp...