Episode 38: Cleverest Advice (June 13, 2021)

4 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 9 - Episode 38: Cleverest Advice (June 13, 2021)

"Hindi ko alam kung may nananadya nito pero bakit kung kailan ko gustong magpakalalaki ay ro'n naman ako mas nagkakagusto sa kan'ya? 'Di ba para sa 'kin ang magbago?"

2018

"Ano bang ginagawa ng lalaking 'yon? Bakit ba kasi gano'n pa rin 'yong nararamdaman ko para sa kan'ya?" nasabi na lang ni Death sa sarili pagpasok habang nakapatong ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang kaliwang dibdib.

"... paglayang minamahal? Mas dapat ba na lumabas ako ulit sa kloseta para lang makasama ko s'ya?" nasabi na lang niya habang naglalakad hanggang sa may nakabangga siya.

"O, Death. Ayos ka lang?" tanong ng nakabanggaan niya

"Sorry, tito Rene. Medyo bangag lang ako. Kulang kasi ako sa pahinga. Matutulog na muna po ako." agad nang umakyat si Death at tumungo sa kuwarto.

"Alam kong mahal mo pa rin ako, Death." bungad sa kaniya ni Terrence na agad siyang isinandal sa pintuan pagkapasok niya.

"Bitawan mo nga 'ko! 'Di na kita babalikan kahit na mah..." biglang napatigil si Death nang matanto ang sasabihin kay Terrence.

"Death, halata naman. H'wag mo nang pigilin. Ikaw rin ang mahihirapan n'yan." pakiusap ni Terrence sa kan'ya.

"Umayos ka nga, kuya. Hindi na kita mamahalin. Lalaki na 'ko kaya roon ka lang sa Krista mo!" sigaw ni Death na pinipilit na makawala mula kay Terrence.

"Bakit ako babalik do'n, Death? Sa lahat ng mga naging ex ko, ikaw at ikaw lang ang gugustuhin kong balikan." pag-amin ni Terrence.

"Baliw ka na talaga! Obsessed!" dagdag pa niya bago itulak si Terrence sa kama. Tatakbo sana siya palabas nang bigla siyang niyakap nito.

"H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo, huli na kita. Binasa ko nang buo ang message mo para sa 'kin. 'Di pa ba sapat 'yon na mahal mo pa rin ako? Binanggit mo pa ang ex mo. 'Di ka makalulusot do'n." katuwiran pa ni Terrence na binitawan na sa pagyakap si Death at iniharap sa kaniya.

"P'wes matagal na 'yong letter na 'yon at nasama lang sa mga na-print ko kanina.
Saka ang totoo n'yan, si Den naman talaga ang mahal ko at hindi ikaw!" pagsisinungaling ni Death.

"Pa'nong s'ya ang gusto mo eh tito mo s'ya?" katuwiran naman ni Terrence.

"Wala ka nang paki ro'n saka 'di naman talaga kami magkadugo kaya p'wede pa rin 'yon. Ikaw nga, maski sarili mong kapatid na kadugo mo, pinatos mo." pagpapaalala pa ni Death sa ginawa ni Terrence.

"Terrence, Death, mamaya na kayo mag-away. May sasabihin lang ako kay Death." biglaang paglapit ni Nico sa kanila at hinila si Death palayo kay Terrence.

"Ano 'yong narinig ko sa 'yo? Akala ko ba, ayos na tayo? Bakit gusto mo pa rin ang asawa ko? Kaya ba hindi ka tumangging umuwi sa 'min?" sunod-sunod na tanong ni Nico sa kaniya.

"Ate naman, s'yempre palusot lang 'yon. Ayaw ko na kasi sa kan'ya kaya lang wala akong maisip na paraan para lubayan n'ya ko." paliwanag naman ni Death.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon